عن الحسن، أن أبا بَكْرَة جاء ورسول الله راكع، فركع دون الصَّف ثم مَشَى إلى الصَّف فلما قَضَى النبي صلى الله عليه وسلم صلاته، قال: «أيُّكم الذي ركع دون الصَّف ثم مَشَى إلى الصَّف؟» فقال أبو بَكْرَة: أنا، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «زادَك الله حِرْصَا ولا تَعُد».
[صحيح] - [رواه أبو داود وأحمد، وأصله عند البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Al-Hasan,katotohanan si Aba Bakrah ay dumating habang ang Sugo ni Allah ay nakayuko,yumuko siya na wala sa linya pagkatapos ay naglakad siya patungo sa linya at nang matapos ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagdarasal niya,ay nagsabi siya;(( Sino sa inyo ang yumuko na wala sa linya pagkatapos ay naglakadpatungo sa linya? nagsabi si Aba Bakrah; Ako, Nagsabi ang Propeta -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Naway dagdagan pa ni Allah ang iyong pagpupursige at huwag mo na itong ulitin))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Katotohanan si Aba Bakrah ay pumasok sa Masjid,nadatnan niya ang Propeta-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan-at ang kanyang mga kasamahan ay nakayuko,kaya`t nagmadali siya sa pagyuko bago ito dumating sa linya,upang maabutan niya ang pagtindig,pagkatapos ay naglakadsiya patungo sa linya na siya nakayuko,hanggang sa pumasok siya kasama ang mga nagdarasal sa linya,Ang Propeta-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan- ay naramdaman niya ang nagmamdali sa likod ng linya,na mayroon dumating na nagmamadali at yumuko bago dumating sa linya,datapuwat kabilang sa mga katangian niya ay nakikita niya ang sinumang nasa likod nito sa pagdarasal,tulad ng pagkakita niya sa sinumang nasa harapan niya,,at nang matapos ang Propeta-pagpalai siya ni Allah at pangalagaan-sa pagdarasal niya,nagtanong siya kung sino ang yumuko bago dumating sa linya pagkatapos ay naglakad papunta sa linya? Ang sabi ni Abu Bakrah; Ako,ibig sabihin ay; ako ang gumawa ng binabanggit mo o Sugo ni Allah,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Naway dagdagan pa ni Alah ang iyong pagnanais at pagsusumikap sa kabutihan at pagpaligsahan rito,at huwag mo nang ulitin ang pagmamadali sa paglalakad para lang abutan mo ang pagtindig at gayundin ang pagyuko bago (dumating) sa linya, sapagkat ang pagmamdali ay sumasalungat sa katahimikan at katiwasayan,at katotohanang sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Walang (gantimpala sa) pagdarasal na nag-iisa sa likod ng linya),At ang ginawa ni Abu Bakrah ay hindi kasali rito,sapagkat ito ay pag-iisa sa magaan na gawain,tulad ng sinumang yumuko na nag-iisa pagkatapos ay inabutan ng iba at naglinya kasama nito sa sitwasyong nakayuko,Ngunit ito ay hindi ipinapahintulot,Dahil sa sinabi niya; ( At huwag mo na itong ulitin)