+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه : أنّ رجلًا قال: يا رسول الله، إني أُريد أن أُسافرَ فأَوْصِني، قال: «عليك بتقوى الله، والتَّكبير على كلِّ شَرَفٍ» فلمّا ولَّى الرجلُ، قال: «اللهم اطْوِ له البُعدَ، وهَوِّنْ عليه السفر».
[حسن] - [رواه الترمذي وابن ماجه وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Alalh sa kanya: "May isang lalaking nagsabi: O Sugo ni Allah, tunay na ako ay nagnanais na maglakbay kaya tagubilinan mo po ako. Nagsabi siya: Panatiliin mo ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah at ang pagdakila [kay Allah] sa bawat mataas na lugar. Kaya noong nakalisan na ang lalaki, nagsabi siya: O Allah, paiksiin Mo para sa kanya ang layo at pagaanin Mo sa kanya ang paglalakbay."
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ninais ng isang lalaki na maglakbay kaya ngsabi ito: "O Sugo ni Allah, tagubilinan mo po ako." Nagtagubilin sa kanya ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na panatilihin niya ang pangingilag sa pagkakasala kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, at na dakilain niya si Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa bawat mataas na lugar. Noong nakatalikod ang lalaki, dumalangin ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na maging madali sa kanya ang gawain at ang magandang sasakyan na magpaparating sa kanya nang maginhawa, at na padaliin sa kanya ang paglalakbay sa pamamagitan ng pagtaboy sa mga makapipinsala sa kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish
Paglalahad ng mga salin