عن ابن عمر رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم:
«مَا زَالَ يُوصِينِي جِبْرِيلُ بِالْجَارِ، حَتَّى ظَنَنْتُ أَنَّهُ سَيُوَرِّثُهُ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6014]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Hindi tumigil na nagtatagubilin sa akin si Gabriel hinggil sa kapitbahay hanggang sa nagpalagay ako na siya ay magpapamana rito."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6014]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Anghel Gabriel ay hindi tumigil na nag-uulit-ulit sa kanya at nag-uutos sa kanya ng pagmamalasakit sa kapitbahay na malapit sa tahanan niya, na Muslim man o hindi Muslim, kamag-anak man o hindi kamag-anak, sa pamamagitan ng pag-iingat sa karapatan nito at hindi pamemerhuwisyo rito, paggawa ng maganda rito, at pagtitiis sa perhuwisyo nito hanggang sa nagpalagay siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), dahil sa pagdakila sa karapatan ng kapitbahay at pag-uulit ni Anghel Gabriel niyon, na bababa ang pagsisiwalat ng pagbibigay sa kanya mula sa yaman ng kapitbahay na maiiwan nito matapos ng pagpanaw nito.