عَنْ أبي سَعيدٍ الخُدريَّ رضي الله عنه قال: قال رسولُ الله صلَّى الله عليه وسلم ِ:
«إزْرَةُ المُسْلمِ إلى نصفِ السَّاق، وَلَا حَرَجَ -أو لا جُنَاحَ- فيما بينَهُ وبينَ الكعبينِ، وما كان أسفلَ منَ الكعبين فهو في النار، مَن جرَّ إزارَهُ بطرًا لم يَنْظُرِ اللهُ إليه».
[صحيح] - [رواه أبو داود وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 4093]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pang-ibabang kasuutan ng Muslim ay hanggang sa kalahati ng binti. Walang pagkaasiwa" – o "Walang maisisisi" – "sa pagitan nito at ng mga bukungbukong. Ang anumang higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong, ito ay sa Impiyerno. Ang sinumang kumaladkad ng tapis niya dala ng kapalaluan, hindi titingin si Allāh sa kanya."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 4093]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang lalaking Muslim sa pang-ibabang kasuutan niya – ang bawat anumang isinusuot sa kalahating pang-ibaba ng mga lalaki – ay may tatlong kalagayan: Una. Ang isinakaibig-ibig dahil sa pagiging hanggang sa kalahati ng binti. Ikalawa. Ang pinapayagan nang walang pagkasuklam: ang nasa ilalim niyon hanggang sa mga bukungbukong. Ikatlo. Ang ipinagbabawal dahil sa pagiging higit na mababa kaysa sa mga bukungbukong at kinatatakutan para sa kanya na humantong sa kanya ang Impiyerno. Kung ito ay naging pagpapakamalaki, pagkatuwa, at pagmamalabis, hindi titingin si Allāh sa kanya.