عَنْ أَنَسٍ رَضيَ اللهُ عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«لَوْ كَانَ لِابْنِ آدَمَ وَادِيَانِ مِنْ مَالٍ لَابْتَغَى وَادِيًا ثَالِثًا، وَلَا يَمْلَأُ جَوْفَ ابْنِ آدَمَ إِلَّا التُّرَابُ، وَيَتُوبُ اللهُ عَلَى مَنْ تَابَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1048]
المزيــد ...
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (s):
"Kung sakaling nagkaroon ang anak ni Adan ng dalawang lambak ng yaman, talaga sanang naghangad siya ng ikatlong lambak. Hindi nakapupuno sa sikmura ng anak ni Adan kundi ang alabok. Tumatanggap si Allāh ng pagbabalik-loob ng sinumang nagbalik-loob."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1048]
Nagpabatid ang Propeta (s) na kung sakaling nagtamo ang anak ni Adan ng isang lambak na pinuno ng ginto, talaga sanang umibig siya, dahil sa sigasig niya na pagkalikas niya, na magkaroon ng dalawa pang lambak. Hindi siya natitigil sa pagiging masigasig sa kamunduhan hanggang sa mamatay siya at mapuno ang sikmura niya ng alabok ng libinga niya.