عَنْ أَبِي شُرَيْحٍ رضي الله عنه أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«وَاللَّهِ لاَ يُؤْمِنُ، وَاللَّهِ لاَ يُؤْمِنُ، وَاللَّهِ لاَ يُؤْمِنُ»، قِيلَ: وَمَنْ يَا رَسُولَ اللَّهِ؟ قَالَ: «الَّذِي لاَ يَأْمَنُ جَارُهُ بَوَايِقَهُ».
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6016]
المزيــد ...
Ayon kay Shurayḥ (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Sinabi: "Sino po, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang hindi natitiwasay ang kapitbahay niya sa mga sakuna niya."}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6016]
Sumumpa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at nagbigay-diin sa pagsumpa niya nang tatlong ulit sapagkat nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya! Sumpa man kay Allāh, hindi siya sumasampalataya!" Kaya nagtanong sa kanya ang mga Kasamahan: "Sino po ang hindi sumasampalataya, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang nangangamba ang kapitbahay niya sa kasukaban niya, kawalang-katarungan niya, at kasamaan niya."