عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«لَا يَشْكُرُ اللَّهَ مَنْ لَا يَشْكُرُ النَّاسَ»
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن أبي داود: 4811]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi nagpapasalamat kay Allāh ang sinumang hindi nagpapasalamat sa mga tao."}
[Tumpak] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن أبي داود - 4811]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang hindi nagpapasalamat kay Allāh ay karaniwang hindi nagpapasalamat sa mga tao dahil sa nakabubuti at magandang ginawa nila sa kanya. Iyon ay dahil sa pagkakaugnay na unang pasasalamat sa ikalawang pasasalamat yayamang bahagi ng kalikasan niya at nakahiratian niya ang kawalang-pasasalamat sa biyaya ng mga tao at ang pagwaksi sa pasasalamat sa kanila, nagiging bahagi ng nakahiratian niya ang pagtanggi sa pagpapasalamat sa biyaya ni Allāh at ang pagkukulang sa pagpapasalamat niya rito.