+ -

عن عثمان بن عفان رضي الله عنه مرفوعاً: «ما من عبد يقول في صباح كل يوم ومساء كل ليلة: بسم الله الذي لا يضر مع اسمه شيء في الأرض ولا في السماء وهو السميع العليم، ثلاث مرات، إلا لم يَضُرَّهُ شيء».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه والنسائي في الكبرى وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay `Uthmān bin `Affān, malugod si Allah sa kanya: "Walang taong nagsasabi sa kinaumagahan ng bawat araw at kinagabihan ng bawat gabi: Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm (Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay sa lupa ni sa langit at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam) nang tatlong ulit malibang hindi siya mapipinsala ng anuman."
[Tumpak] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Walang taong nagsasabi sa kinaumagahan ng bawat araw at kinagabihan ng bawat gabi: matapos sumapit ang madaling-araw at matapos lumubog ang araw - at sa sanaysay ni Imām Aḥmad na nagsabi: Sa simula ng araw niya at sa simula ng gabi niya - ng panalanging: Bismi -llāhi... (Sa ngalan ni Allāh...). Nangangahulugan ito: "Binabanggit ko ang pangalan Niya sa paraang nagdadakila at nagpapabiyaya. Ang "-(a)lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un (na walang makapipinsala sa pangalan Niya na anumang bagay) ay nangangahulugang: "Kalakip ng pagbanggit sa Kanya ayon sa paniniwalang maganda at layuning dalisay." Ang "walang makapipinsala sa pangalan Niya" na isang umiiral "fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i" (sa lupa ni sa langit) ay nangangahulugang: "na kapahamakang bumababa mula roon." Ang "wa huwa -ssamī`u -l`alīm" (at Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam) ay nangangahulugang: "sa mga sinasabi natin at mga kalagayan natin." Sa ḥadīth ay may patunay na ang mga pangungusap na ito ay nagsasanggalang sa nagsasabi ng mga ito laban sa bawat kapinsalaan maging anuman iyon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية
Paglalahad ng mga salin