عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال: كان أبو طلحة رضي الله عنه أكثر الأنصار بالمدينة مالا من نخل، وكان أحب أمواله إليه بَيْرَحَاء، وكانت مُسْتَقبِلَةَ المسجد وكان رسول الله صلى الله عليه وسلم يدخلها ويشرب من ماء فيها طيب. قال أنس: فلما نزلت هذه الآية: {لن تنالوا البر حتى تُنِفُقوا مما تُحبون} قام أبو طلحة إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: يا رسول الله، إن الله تعالى أنزل عليك: {لن تنالوا البر حتى تنفقوا مما تحبون} وإن أحب مالي إلي بَيْرَحَاء، وإنها صدقة لله تعالى ، أرجو بِرَّهَا وذُخْرَهَا عند الله تعالى ، فَضَعْهَا يا رسول الله حيث أَرَاكَ الله، فقال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «بَخٍ ذلك مال رَابِحٌ، ذلك مال رابح، وقد سمعتُ ما قلتَ، وإني أرى أن تجعلها في الأقربين»، فقال أبو طلحة: أفعل يا رسول الله، فقسمها أبو طلحة في أقاربه، وبني عمه.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang pinakamarami sa Anṣār sa Madīnah sa ari-ariang punong datiles. Ang pinakakaibig-ibig sa mga ari-arian niya para sa kanya ay ang Bayraḥā'. Ito noon ay nakaharap sa masjid. Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumapasok noon doon at umiinom mula sa kaaya-ayang tubig doon. Nagsabi si Anas: Noong bumaba ang talatang ito [ng Qur'ān 3:92]: "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo," tumayo si Abū Ṭalḥah [upang pumunta] sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Allāh ay nagbaba sa iyo: 'Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuting-loob hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo.' Tunay na ang pinakakaibig-ibig na ari-arian ko para sa akin ay ang Bayraḥā'. Tunay na iyon ay kawanggawa na alang-alang kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Minimithi ko ang kabutihan niyon at ang pag-impok niyon sa kay Allāh, pagkataas-taas Niya, kaya ilagay mo po iyon, o Sugo ni Allāh, saan man ipakita sa iyo ni Allāh." Nagsabi ang Sugo ni Allāh: "Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Tunay na ako ay nagtuturing na ilaan mo ito sa mga kaanak." Nagsabi si Abū Ṭalḥah: "Gagawin ko, o Sugo ni Allāh." Kaya hinati-hati iyon ni Abū Ṭalḥah sa mga kaanak niya at mga anak ng tiyuhin sa ama niya.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, ay ang pinakamarami noon sa Anṣār sa Madīnah sa mga sakahan. Mayroon siyang pataniman noon sa harap ng masjid, na may tubig na tabang. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay pumupunta noon roon at umiinom mula roon. Noong bumaba ang sabi ni Allāh (Qur'ān 3:92): "Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo," nagdali-dali si Abū Ṭalḥah, malugod si Allāh sa kanya, nakipag-unahan, mabilis na pumunta, dumating sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, tunay na si Allāh ay nagbaba ng sabi Niya: 'Hindi ninyo matatamo ang pagpapakabuti hanggang sa gumugol kayo mula sa naiibigan ninyo,' tunay na ang pinakakaibig-ibig sa mga ari-arian ko para sa akin ay ang Bayraḥā' - ito ang pangalan ng patanimang iyon - at tunay na ako ay naglalagay niyon sa harapan mo bilang kawanggawa alang-alang kay Allāh at sa Sugo Niya." Kaya nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, habang humahanga: "Magaling! Iyon ay ari-ariang tutubo! Iyon ay ari-ariang tutubo! Narinig ko nga ang sinabi mo. Itinuturing kong ilaan mo ito sa mga kaanak mo." Kaya ginawa niya, malugod si Allāh sa kanya, at hinati-hati iyon sa mga kaanak niya at mga anak ng tiyuhin sa ama niya.