+ -

عن المقداد بن الأسود رضي الله عنه مرفوعاً: «تُدْنَى الشمسُ يوم القيامة من الخلق حتى تكون منهم كمقدار مِيل». قال سليم بن عامر الراوي عن المقداد: فوالله ما أدري ما يعني بالميل، أمسافةَ الأرض أم الميلَ الذي تكتحل به العين؟ قال: «فيكون الناس على قدر أعمالهم في العرق، فمنهم من يكون إلى كعبيه، ومنهم من يكون إلى ركبتيه، ومنهم من يكون إلى حِقْوَيْهِ، ومنهم من يُلْجِمُهُ العرقُ إلجامًا». قال: وأشار رسول الله صلى الله عليه وسلم بيده إلى فيه. عن أبي هريرة رضي الله عنه : أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال: «يَعْرَقُ الناس يوم القيامة حتى يذهب عرقهم في الأرض سبعين ذراعا، ويُلْجِمُهُمْ حتى يبلغ آذانهم».
[صحيح] - [حديث المقداد -رضي الله عنه-: رواه مسلم. حديث أبي هريرة -رضي الله عنه-: متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Al-Miqdād bin Al-Aswad, malugod si Allāh sa kanya: "Ilalapit ang araw sa Araw ng Pagkabuhay sa mga nilikha hanggang sa ito, mula sa kanila, ay gaya ng layong isang mīl." Nagsabi si Sulaym bin `Āmir, ang tagasanaysay buhat kay Al-Miqdād: "Ngunit sumpa man kay Allāh, hindi ko nalalaman kung ano ang tinutukoy niya sa mīl: ang distansiya ba ng lupa o ang mīl na ipinangkukulay sa mata?" Nagsabi siya: "Kaya ang mga tao ay ayon sa sukat ng mga gawa nila [sa pagkakalubog] sa pawis. Mayroon sa kanilang magiging hanggang sa mga bukungbukong niya. Mayroon sa kanilang magiging hanggang sa mga tuhod niya. Mayroon sa kanilang magiging hanggang sa baywang niya. Mayroon sa kanilang rerendahan ng pawis bilang renda." Nagsabi ito: "Tumuro ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa pamamagitan ng kamay niya sa bibig niya." Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsabi: "Papawisan ang mga tao sa Araw ng Pagkabuhay hanggang sa hanggang sa lumubog ang pawis nila sa lupa nang pitumpong siko at rerendahan sila nito hanggang sa umabot sa mga tainga nila."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Palalapitin ni Allāh, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, ang araw sa Araw ng Pagkabuhay mula sa mga nilikha hanggang sa ang distansiya ay maging gaya ng layo ng 4,000 siko (mga 1800 metro). Ang [kalagayan ng] mga tao ay ayon sa sukat ng mga gawa nila. Ang pagkakaiba-iba nila sa aabutin ng pawis ay ayon sa pagkakaiba-iba nila sa paggawa ng kaangkupan at katiwalian. Kaya mayroon sa kanilang aabot ang pawis hanggang sa mga bukungbukong, mayroon sa kanilang aabot ito hanggang sa mga tuhod, mayroon sa kanilang aabot ito sa kinalalagyan ng talian ng tapis, mayroon sa kanilang aabot ang pawis hanggang sa bibig at mga tainga at rerendahan nito. Iyon ay dahil sa tindi ng pighati at mga hilakbot sa Araw ng Pagkabuhay.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Swahili Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan