عن عبدالله بن عمر رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم عامل أهل خيبر بِشَطْرِ ما يخرج منها من ثَمَرٍ أو زرع.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nakipagkasunduan sa mga mamamayan ng Khaybar kapalit ng kalahati ng tumutubo mula roon na bunga o pananim.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang bayan ng Khaybar ay isang bayang pansakahan, na tinitirahan noon ng isang pangkat ng mga Hudyo. Noong sinakop ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa ikapitong taon ng Hijrah, hinati-hati niya ang mga lupain nito at ang mga sakahan nito sa mga nagkamit ng samsam sa digmaan. Sila noon ay mga abala para magbungkal at magsaka dahil sa pakikibaka sa landas ni Allāh at pag-aanyaya tungo kay Allāh, pagkataas-taas Niya. Ang mga Hudyo noon ng Khaybar ay higit na nakatatalos kaysa sa kanila sa mga bagay-bagay kaugnay sa pagsasaka rin dahil sa haba ng pagpapakaabala nila at karanasan nila dito. Dahil dito, kinilala ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang mga naunang mamayan nito sa pagsasaka sa lupa at pagdidilig sa mga punong-kahoy. Para sa kanila ang kalahati mula sa anumang tumutubong bunga at tanim ng mga ito kapalit ng trabaho nila at para naman sa Muslim ang natitirang kalahati dahil sa pagiging mga may-ari nila ng lupain.