عن رافع بن خديج رضي الله عنه قال: «كنا أكثر الأنصار حقلًا، وكنا نكري الأرض، على أن لنا هذه، ولهم هذه، فربما أخرجت هذه، ولم تخرج هذه فنهانا عن ذلك، فأما بالورق: فلم ينهنا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Rāfi` ibnu Khudayj, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Kami noon ay ang pinakamarami sa Anṣār sa mga sakahan at kami noon ay nagpapaupa ng lupain sa kundisyong ukol sa amin [ang ani] nito at ukol sa kanila [ang ani] niyan. Marahil umani ito at hindi umani iyan, kaya ipinagbawal niya sa amin iyon. Tungkol naman sa [pagbabayad ng] pilak, hindi niya kami pinagbawalan."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sa ḥadīth na ito ay may paglilinaw at pagdedetalye para sa pakikisakang tumpak at mali. Binanggit nga ni Rāfi` bin Khudayj na ang mag-anak niya ay ang may pinakamaraming sakahan at pataniman sa mga naninirahan sa Madīnah. Sila noon ay nagpapaupa ng lupain sa paraang pampanahon ng kamangmangan sapagkat ipinasasaka nila ang lupa sa kundisyong sa kanila ang isang bahagi ng sakahan at sa magsasaka ang ibang bahagi. Marahil mamumunga itong isang bahagi at masisira iyang isang bahagi. Pinagbawalan sila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ng ganitong transaksiyon dahil sa taglay nito na panggugulang at kamangmangan. Kailangan ang kaalaman sa pagbabayaran kung papaanong kailangan ang pagkakapantay-pantay sa pakinabang at pinsala. Kung ang panumbas ay isang bahagi mula sa ani, ito ay pakikisaka o pakikipatubig. Ang batayan nito ay ang katarungan at ang pagkakapantay-pantay sa kapakinabangan doon sa paraang ang bawat isa ay may parteng malinaw gaya ng 1/4 o 1/2 o tulad niyon. Kung ito ay may bayad, ito ay pagpapaupang kailangang may kaalaman sa pababayaran. Ito ay ipinahihintulot tumbasan ng ginto o pilak, at ito ay pagpapaupa; o ng tumutubo mula sa lupa, at ito ay pakikisaka. Ito ay batay sa pagkapangkalahatan ng ḥadīth; ngunit kung may anumang bagay na alam at ginarantiyahan, walang masama rito.