عَن عبدِ اللهِ بن خُبَيب رضي الله عنه أنه قال:
خَرَجْنَا فِي لَيْلَةٍ مَطِيرَةٍ وَظُلْمَةٍ شَدِيدَةٍ، نَطْلُبُ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؛ يُصَلِّي لَنَا، قَالَ: فَأَدْرَكْتُهُ، فَقَالَ: «قُلْ»، فَلَمْ أَقُلْ شَيْئًا، ثُمَّ قَالَ: «قُلْ»، فَلَمْ أَقُلْ شَيْئًا، قَالَ: «قُلْ»، فَقُلْتُ: مَا أَقُولُ؟ قَالَ: «{قُلْ هُوَ اللهُ أَحَدٌ} وَالْمُعَوِّذَتَيْنِ حِينَ تُمْسِي وَتُصْبِحُ ثَلَاثَ مَرَّاتٍ، تَكْفِيكَ مِنْ كُلِّ شَيْءٍ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي] - [سنن الترمذي: 3575]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Lumabas kami sa isang gabing maulan at isang kadilimang matindi, habang naghahanap kami sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), na mamumuno sa amin sa ṣalāh. Nagsabi ito: Nakaabot ako sa kanya saka nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Pagkatapos nagsabi siya: "Magsabi ka," ngunit hindi ako nagsabi ng anuman. Nagsabi siya: "Magsabi ka," kaya nagsabi ako: "Ano po ang sasabihin ko?" Nagsabi siya: "Ang Qul huwa -llāhu aḥad... (Qur'ān112) at ang dalawang ipinampapakupkop (Qur'ān 113 at Qur'ān 114) kapag gumagabi at kapag nag-uumaga nang tatlong ulit. Sasapat ang mga ito sa iyo laban sa bawat bagay."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām An-Nasā'īy] - [Sunan At-Tirmidhīy - 3575]
Nagpapabatid ang kapita-pitagang Kasamahan na si `Abdullāh bin Khubayb (malugod si Allāh sa kanya) na sila ay lumabas sa isang gabing marami ang ulan, at ang dilim ay matindi, para maghanap sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang mamuno siya sa ṣalāh sa kanila. Nakatagpo naman sila sa kanya. Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sabihin mo," na nangangahulugang: "Bumigkas ka," ngunit hindi siya bumigkas ng anuman. Umulit ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ng sabi niya kaya nagsabi si `Abdullāh: "Ano po ang bibigkasin ko, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Bigkasin mo ang Sūrah Al-Ikhlāṣ (Qur'ān 112): {Qul huwa 0llāhu aḥad ...} at ang dalawang ipinampapakupkop: ang (Qur'ān 113): {Qul a`ūdhu bi-rabbi -lfalaq ...} at ang (Qur'ān 114): {Qul a`ūdhu bi-rabbi -nnās ...} sa oras ng gabi at sa oras ng umaga nang tatlong ulit, mag-iingat sa iyo ang mga ito laban sa bawat kasamaan at magsasanggalang sa iyo ang mga ito laban sa bawat kasagwaan."