عن علي بن أبي طالب رضي الله عنه مرفوعاً: «لاَ يُتْمَ بَعْدَ احْتِلاَمٍ، وَلاَ صُمَاتَ يوم إلى الليل».
[صحيح] - [رواه أبو داود]
المزيــد ...
Ayon kay `Alīy bin Abi Ṭālib, malugod si Allah sa kanya: "Walang pagkaulila pagkatapos ng pagbibinata [o pagdadalaga] at walang pananahimik sa [buong] araw hanggang gabi."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Una: Hindi itinuring ang tao na isang ulila kapag nagbinata [o nagdalaga]. Ikalawa: Ang mga Arabe noong Panahon ng Kamangmangan ay sumasamba kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pamamagitan ng pananahimik kaya sila ay nanatili sa buong araw na tahimik a hindi nagsasalita hanggang sa lumubog ang araw. Ipinagbawal sa mga Muslim iyon dahil ito ay humahantong sa pagtigil sa pagsambit ng tasbīḥ (pagsabi ng Subḥān -llāh), tahlīl (pagsabi ng Lā ilāha illa –llāh), taḥmīd (pagsabi ng Alḥamdu lillāh), pag-uutos sa nakabubuti at pagsawa sa nakasasama, pagbabasa ng Qur'an, at iba pa. Ito rin ay kabilang sa gawain ng Panahon ng Kamangmangan kaya dahil doon ipinagbawal ito.