+ -

عَنِ ابْنِ عُمَرَ رضي الله عنهما:
عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أَنَّهُ نَهَى عَنِ النَّذْرِ، وَقَالَ: «إِنَّهُ لَا يَأْتِي بِخَيْرٍ، وَإِنَّمَا يُسْتَخْرَجُ بِهِ مِنَ الْبَخِيلِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1639]
المزيــد ...

Ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa):
{Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), siya ay sumaway laban sa pamamanata at nagsabi: "Tunay na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1639]

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pamamanata. Ito ay ang pag-oobliga ng tao sa sarili niya ng isang bagay na hindi inobliga sa kanya ng Tagapagbatas. Nagsabi siya na ang pamamanata ay hindi nagpapauna ng isang bagay at hindi nagpapahuli nito. Ipinangkukuha lamang ito mula sa maramot na walang ginagawa kundi ang kailangan sa kanya at na ang pamamanata ay hindi naghahatid ng isang anuman, na hindi nangyaring naitakda na para sa kanya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الرومانية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Hindi isinasabatas ang pamamanata subalit kapag namanata, kailangan sa kanya ang pagtupad dito kung ito ay hindi isang pagsuway.
  2. Ang sanhi sa pagsaway ay "na ito ay hindi naghahatid ng isang kabutihan" dahil ito ay hindi nakapipigil mula sa pagtatadhana ni Allāh ng isang anuman at upang hindi magpalagay ang tagapanata na ang pagkatamo ng hiling niya ay dahilan sa panata. Si Allāh (napakataas Siya) ay Walang-pangangailangan doon.
  3. Nagsabi si Al-Qurṭubīy: Ang pagsaway na ito ay pumapatungkol sa pagsasabi halimbawa ng: "Kung magpapagaling si Allāh ng maysakit ko, kailangan sa akin na magbigay ng kawanggawa na ganito." Ang punto ng pagkasuklam ay dahil nagpadepende siya sa nabanggit na paggawa ng pampalapit-loob [kay Allāh] sa pagtamo ng nabanggit na layon. Lumitaw na hindi nagresulta nito ang layon ng pagpapakalapit-loob kay Allāh dahil sa namutawi mula sa kanya; bagkus gumawa siya rito ng gawain ng pagtutumbas. Nagpapaliwanag siya nito na kung sakaling hindi gumaling ang maysakit niya, hindi siya magkakawanggawa dahil sa iniugnay niya sa paggaling nito. Ito ay kalagayan ng maramot sapagkat tunay na siya ay hindi nagpapalabas ng anuman mula sa yaman niya malibang may isang agarang kapalit na humihigit sa pinalabas niya kadalasan.
Ang karagdagan