عن عُقْبَة بْن عَامِرٍ رضي الله عنه قال: «نَذَرَتْ أُخْتِي أَنْ تَمْشِيَ إلَى بَيْتِ الله الْحَرَامِ حَافِيَةً، فَأَمَرَتْنِي أَنْ أَسْتَفْتِيَ لَهَا رَسُولَ الله صلى الله عليه وسلم فَاسْتَفْتَيْتُهُ، فَقَالَ: لِتَمْشِ وَلْتَرْكَبْ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay 'Uqbah bin 'Āmir-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nangako ang kapatid ko na maglalakad sa Sagradong Tahanan ni Allah na walang tsinelas,Kaya ipinag-utos niya sa akin na itanong ko ito [Kung ano nararapat niyang gawin] para sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kaya itinanong ko ito sa kanya, at Nagsabi siya: maglalakad siya at sasakay))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Kabilang sa mga naka-ugalian ng Tao ang magmadali paminsan-minsan,Kaya`t naoobliga niya sa sarili niya ang mga bagay na mahirap sa kanya,At tunay na ipinag-utos ng Batas natin sa Islam ang pagiging katamtaman at hindi pagpapahirap sa sarili [sa pagsasagawa ng] pagsamba upang itoy maging tuloy-tuloy. Sa Hadith na ito,hiniling ng kapatid ni `Uqbah bin `Āmir,na itanong sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay nakapangako na pumunta sa Sagradong Tahanan ni Allah na maglalakad na walang tsinelas,Nakita ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang babaing ito ay nagtitiis ng ilang bagay sa paglalakad,kaya ipinag-utos niya sa kanya na maglakad sa abot ng kanyang makakaya at sumakay kapag wala na siyang kakayahan sa paglalakad