عَنْ أَبِي مُوسَى الأَشْعَرِيِّ رضي الله عنه قَالَ:
أَتَيْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي رَهْطٍ مِنَ الأَشْعَرِيِّينَ أَسْتَحْمِلُهُ، فَقَالَ: «وَاللَّهِ لاَ أَحْمِلُكُمْ، مَا عِنْدِي مَا أَحْمِلُكُمْ» ثُمَّ لَبِثْنَا مَا شَاءَ اللَّهُ فَأُتِيَ بِإِبِلٍ، فَأَمَرَ لَنَا بِثَلاَثَةِ ذَوْدٍ، فَلَمَّا انْطَلَقْنَا قَالَ بَعْضُنَا لِبَعْضٍ: لاَ يُبَارِكُ اللَّهُ لَنَا، أَتَيْنَا رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ نَسْتَحْمِلُهُ فَحَلَفَ أَنْ لاَ يَحْمِلَنَا فَحَمَلَنَا، فَقَالَ أَبُو مُوسَى: فَأَتَيْنَا النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَذَكَرْنَا ذَلِكَ لَهُ، فَقَالَ: «مَا أَنَا حَمَلْتُكُمْ، بَلِ اللَّهُ حَمَلَكُمْ، إِنِّي وَاللَّهِ -إِنْ شَاءَ اللَّهُ- لا أَحْلِفُ عَلَى يَمِينٍ، فَأَرَى غَيْرَهَا خَيْرًا مِنْهَا، إِلَّا كَفَّرْتُ عَنْ يَمِينِي، وَأَتَيْتُ الَّذِي هُوَ خَيْرٌ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 6718]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Mūsā Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Pumunta ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng isang pulutong mula sa mga Ash`arīy upang humiling ako ng masasakyan ngunit nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako makapagsasakay sa inyo; wala akong maipasasakay sa inyo." Pagkatapos nanatili kami hanggat niloob ni Allāh saka may dinalang mga kamelyo kaya nag-utos siyang magbigay sa amin ng tatlong kamelyo. Noong lumisan kami, nagsabi ang ilan sa amin sa iba: "Hindi nagpapala si Allāh sa atin. Pumunta tayo sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) upang humiling tayo ng masasakyan ngunit sumumpa siya na hindi siya makapagsasakay sa atin ngunit nagpasakay siya sa atin." Nagsabi si Abū Mūsā: "Kaya pumunta kami sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit kami sa kanya niyon." Nagsabi naman siya: "Hindi ako nagpasakay sa inyo; bagkus si Allāh ay nagpasakay sa inyo. Tunay na ako, sumpa man kay Allāh , ay hindi sumusumpa ng isang sumpa saka makakikita ako ng higit na mainam kaysa roon malibang nagtatakip-sala ako sa sumpa ko at gumagawa ako ng siyang pinakamabuti."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 6718]
Nagpapabatid si Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay pumunta sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at may kasama sa kanya na isang pangkat na kabilang sa lipi niya. Ang layon nila ay na magbigay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamelyo na sasakyan nila para makakaya sa pakikilahok sa pakikibaka ngunit sumumpa siya (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na hindi siya makapagsasakay sa kanila at wala siyang taglay na mapasasakyan niya sa kanila. Kaya bumalik sila at nanatili sila nang sandali. Pagkatapos may dumating sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na tatlong kamelyo kaya nagpadala siya ng mga ito sa kanila. Nagsabi naman ang ilan sa kanila sa iba: "Hindi nagpapala si Allāh sa atin sa mga kamelyong ito dahil ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa na hindi siya makapagsasakay sa atin." Kaya pumunta sila sa kanya at nagtanong sila sa kanya. Kaya nagsabi ang Propeta at ang pangangalaga): "Ang nagpasakay sa inyo ay si Allāh (napakataas Siya) dahil Siya ay ang nagtutuon at ang nagtutustos samantalang ako lamang ay isang kadahilanang nangyari iyon sa kamay ko." Pagkatapos nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako, sumpa man kay Allāh, kung loloobin ni Allāh, ay hindi sumusumpa ng isang anuman na gagawin ko o na ititigil ko at makakikita ako na ang iba sa sinumpaang iyon ay higit na mabuti kaysa rito at higit na mainam malibang gagawin ko ang pinakamainam at iiwanan ko ang sinumpaan at magtatakip-sala ako sa sumpa ko."