+ -

عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بنِ مَسْعُودٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ حَلَفَ عَلَى يَمِينٍ وَهُوَ فِيهَا فَاجِرٌ لِيَقْتَطِعَ بِهَا مَالَ امْرِئٍ مُسْلِمٍ، لَقِيَ اللَّهَ وَهُوَ عَلَيْهِ غَضْبَانُ». قَالَ: فَقَالَ الْأَشْعَثُ: فِيَّ وَاللَّهِ كَانَ ذَلِكَ؛ كَانَ بَيْنِي وَبَيْنَ رَجُلٍ مِنَ الْيَهُودِ أَرْضٌ، فَجَحَدَنِي، فَقَدَّمْتُهُ إِلَى النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَ لِي رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أَلَكَ بَيِّنَةٌ؟» قُلْتُ: لَا. قَالَ: فَقَالَ لِلْيَهُودِيِّ: «احْلِفْ». قَالَ: قُلْتُ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِذَنْ يَحْلِفَ وَيَذْهَبَ بِمَالِي. فَأَنْزَلَ اللَّهُ تَعَالَى: {إِنَّ الَّذِينَ يَشْتَرُونَ بِعَهْدِ اللَّهِ وَأَيْمَانِهِمْ ثَمَنًا قَلِيلًا}. إِلَى آخِرِ الْآيَةِ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2416]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nanumpa sa isang panunumpa samantalang siya rito ay isang masamang-loob upang makakuha sa pamamagitan nito ng ari-arian ng isang taong Muslim, makatatagpo nito si Allāh habang Siya rito ay galit."} Sinabi: {Kaya nagsabi si Al-Ash`ath: "Hinggil sa akin, sumpa man kay Allāh, iyon. Nagkaroon sa pagitan ko at ng isang lalaking kabilang sa mga Hudyo ng [pagtatalo sa] isang lupa. Nagkaila siya sa akin kaya nagharap ako sa kanya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mayroon ka bang katibayan?" Nagsabi ako: "Wala po." Sinabi: {Kaya nagsabi siya sa Hudyo: "Sumumpa ka!"} Sinabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, samakatuwid, susumpa siya at kukuha ng ari-arian ko." Kaya nagpababa si Allāh (napakataas Siya): {Tunay na ang mga bumili kapalit ng kasunduan kay Allāh at mga sinumpaan nila ng isang kaunting panumbas,} – hanggang sa wakas ng talata (Qur'ān 3:77). }

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2416]

Ang pagpapaliwanag

Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa kay Allāh sa isang panunumpa kasabay ng kaalaman ng nanunumpa na ito ay nagsisinungaling doon upang magkamit ito sa pamamagitan ng panunumpang iyon ng ari-arian ng iba sapagkat makikipagkita ito kay Allāh habang Siya rito ay galit. Kaya nagpabatid si Al-Ash`ath bin Qays (malugod si Allāh dito) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi niyon yayamang nagkaroon sa pagitan nito at ng isang lalaking kabilang sa mga Hudyo ng alitan sa pagmamay-ari ng isang lupa. Nagpahatol ang dalawa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya kay Al-Ash`ath: "Kailangan sa iyo ang katibayan upang mapagtibay para sa iyo ang inaangkin mo ngunit kung nawalang-kakayahan ka roon, walang ukol sa iyo na isang panunumpa sa kaalitan mo, ang isinasakdal." Kaya nagsabi si Al-Ash`ath: "O Sugo ni Allāh, samakatuwid, susumpa ang lalaking Hudyo, hindi siya mangingimi, at kukunin niya ang ari-arian ko." Kaya nagpababa si Allāh (napakataas Siya) ng totoo roon sa Qur'ān ng sabi Niya (napakataas Siya): {Tunay na ang mga bumili} at nagpapalit {kapalit ng kasunduan kay Allāh} at tagubilin Niya sa mga mananampalataya ng pagganap sa ipinagkatiwala {at mga sinumpaan nila) at panunumpa nila sa pangalan Niya habang mga nagsisinungaling {ng isang kaunting panumbas} mula sa mga walang-kapararakan ng Mundo, {ang mga iyon ay walang bahagi ukol sa kanila sa Kabilang-buhay} at walang parte. {Hindi kakausap sa kanila si Allāh,} ng isang pananalitang magpapagalak sa kanila at magpapakinabang sa kanila; bagkus nagalit Siya sa kanila at {hindi Siya titingin sa kanila sa Araw ng Pagbangon} nang isang pagtingin ng pagkaawa at pagmamagandang-loob {at hindi Siya magbubusilak sa kanila} sa pamamagitan ng marikit na pagbubunyi at hindi Siya magdadalisay sa kanila sa pamamagitan ng kapatawaran sa mga pagkakasala at mga karumihan. {Ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit} na hahapdi dahilan sa ginawa nila.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagsaway laban sa pagtuturing na ipinahihintulot na kumuha ng mga ari-arian ng mga tao ayon sa kabulaanan.
  2. Ang paghihigpit sa mga karapatan ng mga Muslim sa kaunti sa karapatan at marami rito.
  3. Ang katibayan ay kailangan sa nagsasakdal at ang panunumpa ay kailangan sa isinasakdal kapag nagkaila ito.
  4. Ang pagtitibay sa katotohanan ay sa pamamagitan ng dalawang lalaking tagasaksi; saka kung hindi natagpuan ang katibayan sa tagapagsakdal, kailangan sa isinasakdal ang pagsumpa.
  5. Ang pagbabawal sa panunumpang mapaglublob, ang sinungaling na kumukuha ang nanunumpa ng karapatan ng iba sa kanya. Ito ay kabilang sa malalaking kasalanan na nagsasalang sa tagagawa ng mga ito sa galit ni Allāh (napakataas Siya) at parusa Niya.
  6. Ang pangaral ng tagahatol sa alitan, lalo na sa sandali ng pagnanais ng panunumpa.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan