عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما «أَنَّ رَسُولَ الله صلى الله عليه وسلم قَسَمَ فِي النَّفَلِ: لِلْفَرَسِ سَهْمَيْنِ، وَلِلرَّجُلِ سَهْمًا».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa:((Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naghati sa nadambong: Para sa [mandirigmang] nakasakay sa kabayo ay may dalawang bahagi,at para sa lalaking [walang kabayo] ay isang bahagi))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayag ni `Abdullah bin `Umar-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naghati ng mga nadambong na ang paras sa mga [mandirigmang] nakasakay sa kabayo ay may dalawang bahagi at ang para sa lalaking [walang kabayo] ay isang bahagi lamang,ito ay dahil sa ang naitutulong at pakinabang ng [mandirigmang] nakasakay sa kabayo sa pakikipaglaban ay higit na marami mula sa naitutulong at pakinabang ng nag-iisang lalaking walang kabayo,At pinapatunayan ito ng Maluwalhating Qur-an,sapagkat sinabi Niya-Pagkataas-taas Niya: ( At gumagalugad sa pagsalakay sa bukang liwayway-At nagpupumilit na makapasok sa gitna [ng kaaway]) [Al-Adiyat-3-5],Sa talatang ito ay binanggit ang kabayo at nagpapatnubay ng pagtulong niya sa [gitna ng] pakikipaglaban,At sinabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-( Ang kabayo, sa noo nito ay kabutihan hanggang sa Araw ng Pagkabuhay)