جُنْدُبُ بن عبد اللهِ البجلي رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ -صلى الله عليه وسلم -: «كان فيمن كان قبلكم رجل به جُرْحٌ فَجَزِعَ؛ فأخذ سكِّينا فحَزَّ بها يده، فما رَقَأَ الدم حتى مات، قال الله عز وجل : عبدي بَادَرَنِي بنفسه، حرمت عليه الجنة».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Jundub bin `Abdullāh Al-Bajli-malugod si Allah sa kanya-.Hadith na Marfu; ((Sa unang panahon sa mga nauna sa inyo,mayroong isang lalaki na nasugatan,at hindi niya natiis ang sakit,kumuha siya ng kutsilyo at pinutol nito ang kamay niya,Hindi tumigil ang pagdanak ng dugo hanggang sa ikinamatay niya.Nagsabi si Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-Ang aking alipin-minadali niya sa Akin ang kanyang sarili-Ipinagbawal ko sa kanya ang Paraiso
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Sinasabi ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kanyang mga kasamahan, ang tungkol sa isang lalaki nauna sa atin mula sa unang henerasyon,siya ay nagkaroon mahapding sugat,hindi Niya ito natiis,Kaya pinanghinaan siya ng loob mula sa habag ni Allah-Pagkataas-taas Niya-at sa lunas Niya,at Hindi siya nakapagtiis sa hapdi nito, upang mithiin ang gantimpala Niya, Dahil sa kahinaan ng kanyang pananampalataya at katiyakang paniniwala sa kanyang puso.Kumuha siya ng kutsilyo at pinutol niya ang kanyang kamay,Nangyari sa kanya ang maraming pagdanak ng dugo,hindi ito natigil at nahinto hanggang sa ikinamatay niya.Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya-Ayon sa kahulugan nito: Ito ang alipin ko,naging mabagal para sa kanya ang Habag ko at ang Lunas ko,At hindi siya nakapagtiis sa mga pagsubok ko,at minadali niya ang kanyang buhay dahil sa makasalanang ginawa niya na ipinagbabawal,,at inakala niyang pina-ikli nito ang kanyang buhay, Dahil sa pagpatay niya sa kanyang sarili.Kaya't ipinagbawal sa kanya ang Paraiso, at sinuman ang ipagbawal sa kanya ang Paraiso, Ang Apoy sa Impiyerno ang magiging tahanan niya.