عن ابن عباس رضي الله عنهما ، قال: بينما النبي صلى الله عليه وسلم يخطب إذا هو برجل قائم فسأل عنه، فقالوا: أبو إسرائيل نذر أن يقوم في الشمس ولا يقعد، ولا يستظل؛ ولا يتكلم، ويصوم، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «مروه، فليتكلم، وليستظل، وليقعد، وليتم صومه».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu`Abbās, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Habang ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagtatalumpati walang anu-ano ay may isang lalaki na nakatayo kaya nagtanong siya tungkol doon at nagabi sila: Si Abu Israel ay namanata na tatayo sa ilalim ng araw, hindi uupo, hindi magpapalilim, hindi magsasalita, at mag-aayuno. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Utusan ninyo siya na magsalita siya, magpalilim siya, maupo siya, at lubusin niya ang ayuno niya."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Namanata ang kasamahang ito na titigil sa pagsasalita, pagkain, at pag-inom, at na tatayo sa ilalim ng araw at hindi magpapalilim. Ito ay may dulot na pagpaparusa sa sarili at pahirap rito. Ito ay panatang ipinagbabawal. Dahil dito, ipinagbawal sa kanya ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, iyon ngunit inutusan siyang lubusin ang pag-aayuno niya dahil ito ay isang pagsambang isinabatas. Alinsunod dito, ang sinumang namanata ng isang pagsambang isinabatas, naoobliga siya na gawin ito. Ang sinumang namanata ng isang isang pagsambang hindi isinabatas, tunay na siya ay hindi naoobligang gawin ito.