عن أبي هريرة رضي الله عنه : «أن رسول الله صلى الله عليه وسلم رخص في بيع العرايا، في خمسة أوَسْقُ ٍأو دون خمسة أوسق».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpahintulot sa pagtinda ng mga [datiles na] `arīyah sa limang wasq o mababa sa limang wasq."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang `arāyā ay ang pangmaramihan ng `arīyah. Ang kahulugan nito ay naiibigan ng tao na kumain ng manibalang na datiles sa oras ng paglitaw nito ngunit hindi niya nakakaya iyon dahil sa karalitaan niya. Mayroon siyang tuyong datiles kaya bumibili siya ng manibalang na nasa puno pa kapalit ng tuyong datiles sa kundisyong tatayain ang timbang ng manibalang na aabot hanggang sa limang wasq. Yayamang ang usapin ng arīyah ay ipinahihintulot dahil sa pangangailangan mula, sa orihinal na pagiging ipinagbabawal, magkakasya sa kantidad na kinakailangan sa kadalasan. Ipinahintulot ito sa anumang ang kantidad ay limang wasq lamang o anumang mababa pa roon dahil sa kantidad na ito natatamo ang kasapatan sa pagkain ng datiles. Ang orihinal na pagbabawal ay ang ribā ng kalamangan (faḍl). Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong tinanong siya hinggil sa pagtitinda ng manibalang na datiles kapalit ng hinog: "Nababawasan ba ang manibalang na datiles kapag natuyo ito?" Nagsabi siya: "Opo." Nagsabi siya: "Huwag, samakatuwid." Isang tumpak na ḥadīth na isinaysay ng lima.