عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه : «ذُكِرَ َالعزل لرسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: ولم يفعل ذلك أحدكم؟ -ولم يقل: فلا يفعل ذلك أحدكم؟-؛ فإنه ليست نفس مخلوقة إلا الله خالقها».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allāh sa kanya: Binanggit ang `azl sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kaya nagsabi siya: "Bakit ginagawa iyon ng isa sa inyo?" Hindi siya nagsabing kaya huwag gawin iyon ng isa sa inyo, sapagkat tunay na walang kaluluwang nilikha malibang si Allāh ay Tagapaglikha nito.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Binanggit ang `azl sa harapan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ginagawa raw ito ng ilan sa mga lalaki sa mga maybahay nila at mga alipin nila kaya nag-usisa sa kanila ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa anyong patutol hinggil sa dahilang nag-uudyok doon. Pagkatapos ay ipinabatid ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang layon nila sa gawaing ito sa pamamagitan ng sagot na kapani-paniwala, na nakapipigil sa paggawa nila. Iyon ay dahil sa si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay nagtakda na ng mga naitakda kaya ang gawa ninyong ito ay hindi hahadlang sa isang kaluluwang itinadhana na ni Allāh ang paglikha rito at itinakda na ang pag-iral nito dahil naitakda na ang mga dahilan at ang mga kalalabasan. Kaya kapag ninais Niya ang paglikha ng punlay mula sa likido ng lalaki, pupunta ito nang hindi nararamdaman ng lalaki sa [sinapupunang] matibay na tinutuluyan nito.