عن أبي هريرة رضي الله عنه مرفوعاً: «تعوذوا بالله من جَهْدِ البلاء، وَدَرَكِ الشقاء، وسوء القضاء، وشماتة الأعداء». وفي رواية قال سفيان: أشك أني زدت واحدة منها.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Magpakupkop kayo kay Allāh laban sa hirap ng kasawian, sa pagkaabot ng kahapisan, sa kasamaan ng wakas, at sa pagkatuwa ng mga kaaway." Sa isang sanaysay, nagsabi si Sufyān: "Nagdududa ako na ako ay nagdagdag ng isa man mula rito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang ḥadīth na ito ay kabilang sa mga masaklaw na pananalita dahil ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpakupkop laban sa apat na bagay. Kapag naligtas laban sa mga ito ang tao, maliligtas para sa kanya ang pangmundong buhay niya at ang pangkabilang-buhay niya. Ito ang malinaw na pagwawagi at ang dakilang tagumpay. Ang mga masaklaw na pananalita ay ang pagpapaikli ng pagpapahayag ng maraming kahulugan sa kakaunting salita. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagpakupkop sa apat na bagay: 1. Laban sa hirap ng kasawian: Ang katindihan at ang hirap ng kasawian sa sandali nito - ang pagpapakupkop ay kay Allāh - ay dahil sa ang kasawian, kapag tumindi, ang tao ay hindi makapagliligtas sa sarili niya laban sa pagkasuya at panghihinawa sa mga itinakda ni Allāh, pagkataas-taas Niya, kaya naman malulugi siya sa Mundo at Kabilang-buhay. 2. Pagkaabot ng kahapisan: Ang paghantong sa kahapisan. Ito ay pangkalahatan. Napabibilang dito ang kahapisan sa Kabilang-buhay bilang pangunahing pagkabilang dahil ito ay ang kahapisang hindi nasusundan ng tuwa, na kasalungatan ng kapahamakan sa mundo sapagkat ang mga araw [sa Mundo] ay papalit-palit: isang araw para sa iyo na ikagagalak mo at isang araw laban sa iyo na ikahahapis mo. 3. Kasamaan ng wakas: Ang anumang itinakda ay nakatakdang mangyari at magaganap sa tao kaugnay sa anumang hindi magpapagalak sa kanya. Ito ay pangkalahatan sa lahat ng mga nauukol sa Mundo gaya ng yaman, anak, kalusugan, maybahay...at mga nauukol sa Kabilang-buhay at Huling Hantungan. Ang kahulugang ng wakas (qaḍā') dito ay ang winakasan (maqḍīy) dahil ang qaḍā' (pagtatadhana) at ang paghahatol ni Allāh ay lahat mabuti batay sa sabi ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang kasamaan ay hindi inuugnay sa Iyo." 4. Pagkatuwa ng mga kaaway: Ito ay kabilang sa nadarama ng tao na nakatagpo sa kaaway niya na natutuwa sa kasawian niya. Ang mga kaaway ng Muslim sa katotohanan ay ang mga Kāfir na natutuwa at nagsasaya sa sigalutan, pag-aawayan, at pagkahamak ng mga Muslim. Ang pagkabilang nila sa pagiging kaaway ng Islām sa ḥadīth na ito ay pangunahing pagkabilang. Napabibilang din dito ang kaaway sa Mundo bilang ikalawang pagkabilang subalit ang ambisyon ng tagapag-anyaya ng Islām ay dapat maging mataas kaya naman lalayunin niya ang mga kaaway ng Islām muna at pagkatapos ay ang mga kaaway niya kabilang sa mga Muslim. Hihilingin natin sa kanya na pag-ayusin niya ang mga Muslim.