+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «مَنْ احْتَبَسَ فَرَسًا في سَبِيل الله، إيمانًا بالله، وتَصْدِيقًا بِوَعْدِه، فإن شِبَعَهُ وريَّه ورَوْثَهُ وبَوْلَه في مِيْزَانه يوم القيامة».
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ang sinumang nag-alaga ng isang kabayo alang-alang sa landas ni Allāh bilang pananampalataya kay Allāh at paniniwala sa pangako Niya, tunay na ang pakain rito, ang painom rito, ang dumi nito, at ang ihi nito ay nasa timbangan niya sa Araw ng Pagkabuhay."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

Ang pagpapaliwanag

Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang sinumang nag-ukol ng isang kabayo para sa pakikibaka sa landas ni Allāh at bilang paghahangad sa kaluguran Niya upang makidigma sakay nito ang mga mandirigma sa paghahangad ng lugod ng mukha ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at pagpapatotoo sa pangako Niyang ipinangako Niya kung saan nagsabi Siya (Qur'ān 8:60): "Ang ginugugol ninyo na anuman sa landas ni Allāh ay magtutumbas Siya sa inyo." Tunay na si Allāh ay maggagantimpala sa kanya para sa bawat anumang kinakain nito o iniinom nito o inilalabas nito na ihi o dumi, hanggang sa ilagay ito para sa kanya sa timbangan ng mga magandang gawa niya sa Araw ng Pagkabuhay. Sa mahabang ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang mga kabayo ay tatlo [ang uri]: ang mga ito para sa tao ay pabigat, ang mga ito para sa tao ay panakip, ang mga ito para sa tao ay kabayaran."...Pagkatapos ay nagsabi siya: "Yaong ang mga ito para sa kanya ay gantimpala ay isang lalaking nagtali ng mga ito alang-alang sa landas ni Allāh para sa mga alagad ng Islām sa kaparangan o hardin. Walang kinain ang mga ito mula sa kaparangan o harding iyon na anuman malibang itinala para sa kanya ang bilang ng kinain ng mga ito bilang mga magandang gawa at itinala para sa kanya ang bilang ng mga dumi ng mga ito at mga ihi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Walang pinuputol ang mga ito na panali sa mga ito at nagtatakbo ang mga ito ng isang ikot o dalawang ikot malibang nagtala si Allāh para sa kanya ng bilang ng mga bakas ng mga ito at mga dumi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Walang naidaan sa mga ito ang may-ari ng mga ito sa isang ilog at uminom ang mga ito mula roon habang hindi niya ninanais na painumin ang mga ito malibang nagtala si Allāh para sa kanya ng bilang ng ininom ng mga ito bilang mga magandang gawa.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin