عَنْ أَبٍي سَعِيدٍ الخُدْرِيَّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ:
أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ جَلَسَ ذَاتَ يَوْمٍ عَلَى المِنْبَرِ وَجَلَسْنَا حَوْلَهُ، فَقَالَ: «إِنِّي مِمَّا أَخَافُ عَلَيْكُمْ مِنْ بَعْدِي، مَا يُفْتَحُ عَلَيْكُمْ مِنْ زَهْرَةِ الدُّنْيَا وَزِينَتِهَا» فَقَالَ رَجُلٌ: يَا رَسُولَ اللَّهِ، أَوَيَأْتِي الخَيْرُ بِالشَّرِّ؟ فَسَكَتَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَقِيلَ لَهُ: مَا شَأْنُكَ؟ تُكَلِّمُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَلاَ يُكَلِّمُكَ؟ فَرَأَيْنَا أَنَّهُ يُنْزَلُ عَلَيْهِ؟ قَالَ: فَمَسَحَ عَنْهُ الرُّحَضَاءَ، فَقَالَ: «أَيْنَ السَّائِلُ؟» وَكَأَنَّهُ حَمِدَهُ، فَقَالَ: «إِنَّهُ لاَ يَأْتِي الخَيْرُ بِالشَّرِّ، وَإِنَّ مِمَّا يُنْبِتُ الرَّبِيعُ يَقْتُلُ أَوْ يُلِمُّ، إِلَّا آكِلَةَ الخَضْرَاءِ، أَكَلَتْ حَتَّى إِذَا امْتَدَّتْ خَاصِرَتَاهَا اسْتَقْبَلَتْ عَيْنَ الشَّمْسِ، فَثَلَطَتْ وَبَالَتْ، وَرَتَعَتْ، وَإِنَّ هَذَا المَالَ خَضِرَةٌ حُلْوَةٌ، فَنِعْمَ صَاحِبُ المُسْلِمِ مَا أَعْطَى مِنْهُ المِسْكِينَ وَاليَتِيمَ وَابْنَ السَّبِيلِ - أَوْ كَمَا قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ - وَإِنَّهُ مَنْ يَأْخُذُهُ بِغَيْرِ حَقِّهِ، كَالَّذِي يَأْكُلُ وَلاَ يَشْبَعُ، وَيَكُونُ شَهِيدًا عَلَيْهِ يَوْمَ القِيَامَةِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1465]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakaupo isang araw sa mimbar at nakaupo kami sa paligid niya saka nagsabi siya: "Tunay na kabilang sa pinangangambahan ko para sa inyo matapos ko ang pagbubuksan sa inyo na karangyaan ng Mundo at gayak nito." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, at nagdadala po ba ang kabutihan ng kasamaan?" Kaya natahimik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka sinabi rito: "Ano ang pumapatungkol sa iyo? Kinakausap mo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya kumakausap sa iyo." Nakita namin na siya ay binababaan [ng kasi]. Pinahid niya sa kanya ang pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?" Para bang siya ay nagpuri rito. Saka nagsabi siya: "Tunay na hindi nagdadala ang kabutihan ng kasamaan. Tunay na mula sa pinatutubo ng tagsibol ay pumapatay o napipintong pumatay maliban sa tagakain ng Khaḍrā'. Kumain ito hanggang sa lumuwang ang dalawang tagiliran nito. Humarap ito sa mata ng araw saka dumumi ito, umihi ito, at nanginain ito. Tunay na ang yamang ito ay luntiang matamis. Kaya kay inam na kasamahan ng Muslim ito, na nagbibigay siya mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa landas." O gaya ng sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito ay gaya ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1465]
Nakaupo ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) isang araw sa mimbar habang nakikipag-usap sa mga Kasamahan niya saka nagsabi siya:
"Tunay na ang higit na pinangangambahan ko at kinatatakutan ko para sa inyo matapos ko ay ang pagbubuksan sa inyo na mga pagpapala ng Daigdig, karangyaan ng Mundo, gayak nito, dilag nito, at anumang narito na mga uri ng mga tinatamasa, mga kasuutan, mga pananim, at iba pa sa mga ito kabilang sa bagay na nagmamayabang ang mga tao sa kagandahan nito sa kabila ng kakauntian ng pananatili."
Kaya may nagsabing isang lalaki: "Ang karangyaan ng Mundo ay biyaya mula kay Allāh. Kaya mauuwi ba ang biyayang ito at magiging isang salot at isang kaparusahan?"
Kaya sinisi ng mga tao ang tagapagtanong yayamang nakita nila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nanahimik. Nag-akala sila na ito ay nagpagalit sa kanya.
Luminaw na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay binababaan ng pagkasi, pagkatapos nagsimula siyang nagpunas sa noo niya ng pawis saka nagsabi siya: "Nasaan ang tagapagtanong?"
Nagsabi ito: "Ako po."
Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tunay na kabutihan ay hindi nagdadala kundi ng kabutihan subalit ang karangyaang ito ay hindi isang kabutihang payak dahil sa kinahahantungan nito na tukso, tagisan, at pagkaabala rito sa halip ng kalubusan ng pagtuon sa Kabilang-buhay." Pagkatapos naglahad siya para roon ng isang paghahalintulad sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ang halaman ng tagsibol at ang luntian nito, na isang uri ng halaman na kinalulugdan ng mga hayop saka pumapatay dahil sa dami ng pagkain dahil sa impatso o nalalapit sa pagpatay, maliban sa tagakain ng luntian, na kumain hanggang sa mapuno ang dalawang tagiliran ng tiyan nito saka humarap sa araw at naglabas ng dumi mula sa tiyan nito nang malambot o umihi. Pagkatapos nagpaangat ito ng nasa bituka nito saka ngumuya niyon, pagkatapos lumulon niyon, pagkatapos bumalik ito saka kumain ito."
"Tunay na ang yamang ito ay gaya ng halamang luntiang matamis; pumapatay ito o nalalapit na pumatay dahil sa dami nito, malibang kapag nagkasya rito sa kaunti na hinihiling ng pangangailangan at natatamo dahil dito ang kasapatan sa paraang ipinahihintulot sapagkat tunay na ito ay hindi makapipinsala. Kay inam na kasamahan ng Muslim ito para sa sinumang nagbigay mula rito sa dukha, ulila, at kinapos sa daan. Ang sinumang kumukuha nito nang may karapatan dito ay pagpapalain dahil dito. Ang sinumang kumukuha nito nang walang karapatan dito, ang paghahalintulad sa kanya ay katulad ng kumakain at hindi nabubusog. Magiging isang saksi ito laban sa kanya sa Araw ng Pagbangon."