عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: جاء رجل إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم فقال: يا رسول الله، مَنْ أحقُّ الناس بِحُسن صَحَابَتِي؟ قال: «أمك» قال: ثم مَنْ ؟ قال: «أمك»، قال: ثم مَنْ؟ قال: «أمك»، قال: ثم مَنْ؟ قال: «أبوك». متفق عليه. وفي رواية: يا رسول الله، مَنْ أحقُّ بحُسْنِ الصُّحْبَةِ؟ قال: «أمك، ثم أمك، ثم أمك، ثم أباك، ثم أدْنَاك أدْنَاك».
[صحيح] - [الرواية الأولى: متفق عليها.
الرواية الثانية: رواها مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: May lalaking pumunta sa Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa kagandahan ng pakikisama ko?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ina mo." Nagsabi ito: "Pagkatapos ay sino po?" Nagsabi siya: "Ang ama mo." Napagkaisahan ang katumpakan nito. Sa isang sanaysay: "O Sugo ni Allāh, sino po ang higit na karapat-dapat sa kagandahan ng pakisama?" Nagsabi siya: "Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay sa ama mo, pagkatapos ay ang pinakamalapit sa iyo, ang pinakamalapit sa iyo." Ang pakikisama ay may kahulugang pakisama. Ang sabi niya: "pagkatapos ay sa ama mo" ay ganito: Ito ay nasa kaukulang layon ng ipinahihiwatig na pandiwa, na nangangahulugang: Pagkatapos ay magpakabuti ka sa ama mo. Sa isang sanaysay: "pagkatapos ay ang ama mo". Ito ay malinaw.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang ḥadīth na ito ay nagpapatunay na bawat isa sa mga magulang ay may karapatan sa magandang pakikisama at lubos na pangangalaga sa mga kapakanan nito: "at pakisamahan mo silang dalawa sa Mundo nang nakabubuti". Subalit ang karapatan ng ina ay mataas sa karapatan ng ama ng ilang antas yamang hindi nabanggit ang karapatan ng ama malibang matapos na nabigyang-diin ang karapatan ng ina nang lubusang pagbibigay-diin sa pamamagitan ng pagbanggit sa ina nang tatlong ulit. Mataas ang kalagayan ng ina sa kalagayan ng ama gayong silang dalawa ay magkatambal sa pagpapalaki sa anak: itong ama sa pamamagitan ng salapi niya at pangangalaga niya at itong ina sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanya sa pagkain niya, inumin niya, damit niya, higaan niya, at iba pa dahil ang ina ay naghirap alang-alang sa kanya ng hindi ipinaghirap ng ama. Ipinagdalang-tao siya ng ina niya nang siyam na buwan na nanlata nang nanlata at nanghina nang nanghina. Isinilang siya nito kahit nagpahirap sa kanya dahil doon ang mga hapdi ng panganganak. Nagsabi ng gayon ang Qur'ān 46:15: "Nagtagubilin Kami sa tao ng paggawa ng maganda sa mga magulang. Ipinagdalang-tao siya ng ina niya nang nahihirapan at isinilang siya nito nang nahihirapan. Ang pagbubuntis sa kanya at ang pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan." Nakikita mong si Allāh ay nagtagubilin sa tao ng paggawa ng maganda sa mga magulang niya at hindi bumanggit ng mga dahilan maliban sa ipinaghihirap ng ina bilang pahiwatig sa karapatan nito. Bahagi ng kagandahan ng pakikitungo sa mga magulang ang paggugol sa kanilang dalawa sa pagkain, inumin, tirahan, kasuutan, at tulad nitong mga pangangailangan ng pamumuhay kung silang dalawa ay nangangailangan. Bagkus kung silang dalawa ay nasa pamumuhay na mababa o katamtamang antas samantalang ikaw ay nasa pamumuhay na maginhawa at nakalulugod, iangat mo silang dalawa sa antas mo o dagdagan mo pa sapagkat tunay na iyon ay bahagi ng paggawa ng maganda sa pakikitungo. Tandaan mo ang ginawa ni Propeta Jose sa mga magulang niya noong nabigyan na siya ng kapamahalaan yamang iniangat niya silang dalawa sa trono matapos na dalhin niya silang dalawa sa piling niya mula sa ilang. Bahagi ng kagandahan ng pakikitungo, bagkus ng panaklaw ng mga nauukol sa pagkikitungo, ang binanggit ni Allāh sa sabi Niya (Qur'ān 17:23-24): "Nagtadhana ang Panginoon mo na wala kayong sasambahin kundi Siya at ng paggawa ng maganda sa mga magulang. Kung aabutan nga sa piling mo ng katandaan ang isa sa kanilang dalawa o ang kapwa sa kanilang dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng nakasusuya at huwag mong bulyawan silang dalawa. Magsabi ka sa kanilang dalawa ng marangal na salita. Ibaba mo para sa kanila ang pakpak ng kababaang-loob bahagi ng pagkaawa at sabihin mo: Panginoon ko, kaawaan Mo sila gaya ng pag-aalaga nilang dalawa sa akin noong bata pa ako." Ipagkait mo sa kanilang dalawa ang pagsasalita ng kalapastanganan at iiwas mo sa kanilang dalawa ang mga uri ng kapinsalaan. Magmalumanay ka sa kanilang dalawa sa pananalita mo: "Pag-ukulan mo silang dalawa ng pagpapakumbaba mo, isailalim mo sa pagtalima sa kanilang dalawa ang sarili mo, pabigkasin mo ang bibig mo ng panalangin para sa kanilang dalawa mula sa kaibuturan ng puso mo at kaloob-looban ng kaluluwa mo at sabihin mo: "Panginoon ko, kaawaan Mo sila gaya ng pag-aalaga nilang dalawa sa akin noong bata pa ako." Huwag mong kalimutan ang pagdaragdag ng pangangalaga sa ina bilang pagtupad sa pahiwatig ng Qur'ān at pakikibagay sa lohika ng ḥadīth.