+ -

عن ابن مسعود رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «من أصابته فَاقَة فأنْزَلها بالناس لم تُسَدَّ فَاقَتُهُ، ومن أنْزَلها بالله، فَيُوشِكُ الله له بِرزق عاجل أو آجل».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد]
المزيــد ...

Ayon kay Ibnu Mas`ūd, malugod si Allah sa kanya: "Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

Ang pagpapaliwanag

Ipinabatid ni Ibnu Mas`ūd na ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi ng sumusunod. Ang "Ang sinumang dumanas ng kasalatan" ay tumutukoy sa matinding pangangailangan. Ang madalas na pinaggagamitan nito ay ang karalitaan at kahikahusan ng buhay. Ang "at idinulog ito sa mga tao," ay tumutukoy sa paglalahad nito sa mga tao, pagpapahayag nito sa pamamagitan ng pagdaing sa mga iyon, at paghiling na alisin ang kasalatan sa kanila. Kaya ang resulta ay "hindi ito makatutugon sa karukhaan niya," na nangangahulugang hindi malulunasan ang pangangailan niya at mananatili ang kasalatan niya. Kapag natugunan ang pangngailangan niya daranas siya ng isa pang higit na matindi kaysa sa nauna. Tungkol naman sa "Ang sinumang magdulog nito kay Allah," ito sa pamamagitan ng pagsalig sa Panginoon niya. Ang "magpapadala agad si Allah sa kanya" ay nangangahulugang pabibilisin at aagad-agadin sa kanya ang ghinā’ (غناء), nangangahulugang ang kasapatan. Isang kopya ay nasaad ang ghinā (غنى). Nagsabi ang mga tagapagaliwanag ng aklat Al-Maṣābīḥ: Ang sanaysay na bumanggit ng ghinā (غنى) ayon sa kahulugang kaginhawahan ay paglilihis ng kahulugan dahil siya nagsabi: Dadapuan siya ng kasapatan sa kung ano ang mayroon siya, maaaring dahil sa isang "maagang pagkamatay" na sinabing tumutukoy sa pagkamatay ng isang kaanak niya na mayaman at magmamana siya roon. Marahil ang ḥadīth ay hinango mula sa sabi ni Allah: ".Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allah, gagawa Siya para sa kanya ng isang malalabasan sa kagipitan, at tutustusan Niya ito mula sa hindi niya inaasahan. Ang sinumang nananalig kay Allah, Siya ay sapat na sa kanya." (Qur'an 65:2-3) Ang ghinā (غنى) ay nangangahulugang kaginhawahan. Ang [panustos na] huli ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng yaman at paggawa sa kanya na maging mayaman.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Portuges Swahili
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan