عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم نهى عن بيع حَبَلِ الحَبَلَةِ ،وكان بيعا يتبايعه أهل الجاهلية، وكان الرجل يبتاع الجَزُورَ إلى أن تُنتِجَ الناقة، ثم تُنتِج التي في بطنها.
قيل: إنه كان يبيع الشارف -وهي الكبيرة المسنة- بنتاج الجنين الذي في بطن ناقته.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh ibnu `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagbawal sa pagtitindang ḥabalulḥabalah. Ito ay isang pagtitindang isinasagawa ng mga tao ng Panahon ng Kamangmangan. Ang lalaki ay bumibili ng kamelyo mula sa isisilang pa ng inahing kamelyo na nasa tiyan pa nito." Sinabi: "Ipinagbibili noon ang Shārif, ang matandang inahing kamelyo, sa pamamagitan ng supling ng sanggol na nasa tiyan ng inahing kamelyo nito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ito ay isang pagtitindang kabilang sa mga pagtitindang ipinagbabawal. Ang pinakatanyag sa mga pakahulugan ng pagtitindang ito ay dalawang pakahulugan: 1. Na ang kahulugan nito ay ang pagbimbin. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtitinda ng isang bagay kapalit ng halagang ipagpapaliban ang pagbibigay sa loob ng panahong nagtatapos sa panganganak ng inahing kamelyo at pagkatapos ay pagkapanganak ng nasa tiyan nito. Ipinagbawal ito dahil sa kawalan ng kaalaman sa yugto ng kabayaran. Ang yugto ay may epekto sa halaga sa haba nito at ikli nito. 2. Na ang kahulugan nito ay ang pagtitinda ng bagay na hindi umiiral at hindi nalalaman. Iyon ay sa pamamagitan ng pagtitinda ng supling ng ipinagbubuntis na kamelyong nasa tiyan pa ng matandang inahing kamelyo. Ipinagbawal ito dahil sa dulot nito na malaking kapinsalaan at panganib sapagkat hindi nalalaman kung ito ba ay babae, o kung ito ba ay isa o dalawa, o kung ito ba ay buhay o patay? Hindi rin alam ang yugto ng pagkamit nito. Ito ay kabilang sa mga panindang hindi nalalaman, na dumarami ang kapinsalaan nito at ang pagdadahilan dito kaya humahantong sa mga alitan. Nangangahulugang itong ang usapin ay naging may apat na anyo: 1. Na ipagbili ang ipinagbubuntis ng inahing kamelyo. 2. Na ipagbili ang ipinagbubuntis ng ipinagbubuntis ng inahing kamelyo. 3. Na ipagpapaliban ang paninda, na nangangahulugang ipagpapaliban ang panahong ang bagay ay magiging pagmamay-ari ng mamimili hangang sa magsilang ang inahing kamelyo o magsilang ang nasa tiyan nito. 4. Na ang paninda ay habang buhay ngunit ang halaga ay ipinagpapaliban sa yugtong hindi nalalaman.