+ -

عن سعد بن عبادة رضي الله عنه أنه قال:
يَا رَسُولَ اللَّهِ، إِنَّ أُمَّ سَعْدٍ مَاتَتْ، فَأَيُّ الصَّدَقَةِ أَفْضَلُ؟، قَالَ: «الْمَاءُ»، قَالَ: فَحَفَرَ بِئْرًا، وَقَالَ: هَذِهِ لِأُمِّ سَعْدٍ.

[حسن بمجموع طرقه] - [رواه أبو داود والنسائي وابن ماجه] - [سنن أبي داود: 1681]
المزيــد ...

Ayon kay Sa`d bin `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{O Sugo ni Allāh, tunay na ang ina ni Sa`d ay namatay. Kaya alin pong kawanggawa ang pinakamainam? Nagsabi siya: "Ang tubig." Nagsabi ito: "Kaya humukay siya ng isang balon at nagsabi: 'Ito ay para sa ina ni Sa`d."}

- - [سنن أبي داود - 1681]

Ang pagpapaliwanag

Pinapanaw ang ina ni Sa`d bin `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya) kaya nagtanong ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa pinakamainam sa mga uri ng kawanggawa upang magkawanggawa ito niyon para sa ina nito. Kaya nagpabatid dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamainam na kawanggawa ay ang tubig. Naghukay siya ng isang balon. Ginawa niya ito bilang kawanggawa para sa ina niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Sinhala Vietnamese Hausa Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw na ang tubig ay kabilang sa pinakamainam sa mga uri ng kawanggawa.
  2. Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Sa`d sa pagkakawanggawa ng tubig dahil ito ay higit na pangkalahatan sa pakinabang kaugnay sa mga bagay na panrelihiyon at pangmundo at dahil sa katindihan ng init at pangangailangan at kakauntian ng tubig.
  3. Ang katunayan na ang mga pabuya sa mga kawanggawa ay umaabot sa mga patay.
  4. Ang pagsasamabuting-loob ni Sa`d bin `Ubādah (malugod si Allāh sa kanya) sa mga magulang niya (malugod si Allāh sa kanilang dalawa).
Ang karagdagan