+ -

عَنْ أَبي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَا مِنْ صَاحِبِ ذَهَبٍ وَلَا فِضَّةٍ، لَا يُؤَدِّي مِنْهَا حَقَّهَا، إِلَّا إِذَا كَانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ، صُفِّحَتْ لَهُ صَفَائِحُ مِنْ نَارٍ، فَأُحْمِيَ عَلَيْهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ، فَيُكْوَى بِهَا جَنْبُهُ وَجَبِينُهُ وَظَهْرُهُ، كُلَّمَا بَرَدَتْ أُعِيدَتْ لَهُ، فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ خَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ، حَتَّى يُقْضَى بَيْنَ الْعِبَادِ، فَيَرَى سَبِيلَهُ، إِمَّا إِلَى الْجَنَّةِ، وَإِمَّا إِلَى النَّارِ» قِيلَ: يَا رَسُولَ اللهِ، فَالْإِبِلُ؟ قَالَ: «وَلَا صَاحِبُ إِبِلٍ لَا يُؤَدِّي مِنْهَا حَقَّهَا، وَمِنْ حَقِّهَا حَلَبُهَا يَوْمَ وِرْدِهَا، إِلَّا إِذَا كَانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ، بُطِحَ لَهَا بِقَاعٍ قَرْقَرٍ، أَوْفَرَ مَا كَانَتْ، لَا يَفْقِدُ مِنْهَا فَصِيلًا وَاحِدًا، تَطَؤُهُ بِأَخْفَافِهَا وَتَعَضُّهُ بِأَفْوَاهِهَا، كُلَّمَا مَرَّ عَلَيْهِ أُولَاهَا رُدَّ عَلَيْهِ أُخْرَاهَا، فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ خَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ، حَتَّى يُقْضَى بَيْنَ الْعِبَادِ، فَيَرَى سَبِيلَهُ إِمَّا إِلَى الْجَنَّةِ، وَإِمَّا إِلَى النَّارِ» قِيلَ: يَا رَسُولَ اللهِ، فَالْبَقَرُ وَالْغَنَمُ؟ قَالَ: «وَلَا صَاحِبُ بَقَرٍ، وَلَا غَنَمٍ، لَا يُؤَدِّي مِنْهَا حَقَّهَا، إِلَّا إِذَا كَانَ يَوْمُ الْقِيَامَةِ بُطِحَ لَهَا بِقَاعٍ قَرْقَرٍ، لَا يَفْقِدُ مِنْهَا شَيْئًا، لَيْسَ فِيهَا عَقْصَاءُ، وَلَا جَلْحَاءُ، وَلَا عَضْبَاءُ تَنْطَحُهُ بِقُرُونِهَا وَتَطَؤُهُ بِأَظْلَافِهَا، كُلَّمَا مَرَّ عَلَيْهِ أُولَاهَا رُدَّ عَلَيْهِ أُخْرَاهَا، فِي يَوْمٍ كَانَ مِقْدَارُهُ خَمْسِينَ أَلْفَ سَنَةٍ، حَتَّى يُقْضَى بَيْنَ الْعِبَادِ، فَيَرَى سَبِيلَهُ إِمَّا إِلَى الْجَنَّةِ، وَإِمَّا إِلَى النَّارِ» قِيلَ: يَا رَسُولَ اللهِ، فَالْخَيْلُ؟ قَالَ: «الْخَيْلُ ثَلَاثَةٌ: هِيَ لِرَجُلٍ وِزْرٌ، وَهِيَ لِرَجُلٍ سِتْرٌ، وَهِيَ لِرَجُلٍ أَجْرٌ، فَأَمَّا الَّتِي هِيَ لَهُ وِزْرٌ، فَرَجُلٌ رَبَطَهَا رِيَاءً وَفَخْرًا وَنِوَاءً عَلَى أَهْلِ الْإِسْلَامِ، فَهِيَ لَهُ وِزْرٌ، وَأَمَّا الَّتِي هِيَ لَهُ سِتْرٌ، فَرَجُلٌ رَبَطَهَا فِي سَبِيلِ اللهِ، ثُمَّ لَمْ يَنْسَ حَقَّ اللهِ فِي ظُهُورِهَا وَلَا رِقَابِهَا، فَهِيَ لَهُ سِتْرٌ وَأَمَّا الَّتِي هِيَ لَهُ أَجْرٌ، فَرَجُلٌ رَبَطَهَا فِي سَبِيلِ اللهِ لِأَهْلِ الْإِسْلَامِ، فِي مَرْجٍ وَرَوْضَةٍ، فَمَا أَكَلَتْ مِنْ ذَلِكَ الْمَرْجِ، أَوِ الرَّوْضَةِ مِنْ شَيْءٍ، إِلَّا كُتِبَ لَهُ، عَدَدَ مَا أَكَلَتْ حَسَنَاتٌ، وَكُتِبَ لَهُ، عَدَدَ أَرْوَاثِهَا وَأَبْوَالِهَا، حَسَنَاتٌ، وَلَا تَقْطَعُ طِوَلَهَا فَاسْتَنَّتْ شَرَفًا، أَوْ شَرَفَيْنِ، إِلَّا كَتَبَ اللهُ لَهُ عَدَدَ آثَارِهَا وَأَرْوَاثِهَا حَسَنَاتٍ، وَلَا مَرَّ بِهَا صَاحِبُهَا عَلَى نَهْرٍ، فَشَرِبَتْ مِنْهُ وَلَا يُرِيدُ أَنْ يَسْقِيَهَا، إِلَّا كَتَبَ اللهُ لَهُ، عَدَدَ مَا شَرِبَتْ، حَسَنَاتٍ» قِيلَ: يَا رَسُولَ اللهِ، فَالْحُمُرُ؟ قَالَ: «مَا أُنْزِلَ عَلَيَّ فِي الْحُمُرِ شَيْءٌ، إِلَّا هَذِهِ الْآيَةَ الْفَاذَّةُ الْجَامِعَةُ»: {فَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ، وَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ} [الزلزلة: 8].

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 987]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Walang anumang tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi gumaganap mula rito ng karapatan dito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya na mga piraso mula sa apoy, saka paiinitin ang mga ito sa apoy ng Impiyerno, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang mga ito sa kanya, sa isang araw na ang sukat nito ay limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa pagitan ng mga tao kaya makakikita siya sa landas niya na maaaring patungo at Paraiso at maaaring patungo sa Impiyerno."

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 987]

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (s) ng mga klase ng yaman at ng ganti sa sinumang hindi gumanap ng pagbibigay ng zakāh ng mga ito sa Araw ng Pagbangon. Kabilang sa mga ito:
1. Ang ginto at ang pilak at ang anumang nasa kahatulan ng dalawang ito na mga ari-arian at mga paninda ng kalakal. Ito ay ang anumang kinakailangan dito ang zakāh ngunit hindi ginampanan. Kapag naging Araw ng Pagbangon, lulusawin ang mga ito at ibubuhos sa anyo ng mga tipak at magpapaningas sa mga ito sa apoy ng Impiyerno. Pagdurusahin sa pamamagitan ng mga ito ang mga tagapagmay-ari ng mga iyon, saka papasuin sa pamamagitan ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang pagpapainit sa mga ito at magpapatuloy siya sa kalagayang ito ng pagdurusa sa kahabaan ng Araw ng Pagbangon, na ang sukat ng isang araw nito ay limampung libong taon, hanggang sa humatol si Allah sa pagitan ng mga nilikha, kaya siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno.
2. Ang nagmamay-ari ng mga kamelyo na hindi gumaganap ng tungkulin ng zakāh sa mga ito at ng karapatan sa mga ito, na bahagi nito ang paggatas sa mga ito para sa sinumang pumunta sa mga ito kabilang sa mga duka. X sa araw ng pagpapainom sa mga ito, malibang kapag Araw ng Pagbangon ay may ilalatag para sa kanya na mga lugar na patag na pinakamalawak na naging. Hindi siya makawawala mula sa mga ito ng iisang inakay. Aapak sa kanya ang mga ito ng mga paa nila at mangangagat sa kanya ang mga ito ng mga bibig ng mga ito. Sa tuwing naparaan sa kanya ang huli sa mga ito, ibabaik sa kanya ang una sa mga ito. Magpapatuloy siya sa kalagayang ito ng pagdurusa sa hinaba-haba ng Araw ng Pagbangon na ang sukat ng araw nito ay limampung libong taon, hanggang sa humatol si Allah sa pagitan ng mga nilikha, kaya magiging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."
3. Ang nagmamay-ari ng mga baka at mga tupa – mga tupa at mga kambing – na hindi gumaganap ang tagapagmay-ari ng mga ito ng isinatungkuling zakāh sa mga ito. Dadalhin ang mga ito nang higit na marami sa bilang na walang mababawas mula sa mga ito na anuman. Saka ilalatag, itatapon, at babanatin para sa mga ito ang tagapagmay-ari ng mga ito sa Araw ng Pagbangon sa isang lupang malawak na patag. Hindi nagkaroon sa mga ito ng pinilipit ang mga sungay ni anumang walang sungay ni nabali ang sungay, bagkus ang mga ito ay nasa pinakalubos sa mga paglalarawan sa mga ito, na susuwag sa kanya ng mga sungay ng mga ito at aapak sa kanya ang mga ito ng mga paa nila. Sa tuwing naparaan sa kanya ang huli sa mga ito, ibabalik sa kanya ang una sa mga ito. Magpapatuloy siya sa kalagayang ito ng pagdurusa sa hinaba-haba ng Araw ng Pagbangon na ang sukat ng araw nito ay limampung libong taon, hanggang sa humatol si Allah sa pagitan ng mga nilikha, kaya magiging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso o kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno.
4. Ang nagmamay-ari ng mga kabayo. Ito ay nasa tatlong klase:
A. Ang mga ito para sa kanya ay pabigat. Siya ay sinumang gumawa sa mga ito bilang pagpapakitang-tao, bilang pagyayabang, bilang pakikidigma sa mga alagad ng Islam.
B. Ang mga ito para sa isang lalaki ay panakip. Siya ay sinumang gumawa sa mga ito para sa pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah, pagkatapos gumawa ng maganda sa mga ito sapagkat nagsagawa siya ng pagkukumpay sa mga ito at nalalabi sa pagtustos sa mga ito, na kabilang dito ang pagpapalahi ng mga lalaki mula rito.
3. Ang mga ito para sa isang lalaki ay pabuya. Siya ay sinumang gumawa sa mga ito para sa pakikibaka alang-alang sa landas ni Allah para sa mga alagad ng Islam. Ang mga ito ay nasa pastulan at kaparangan para manginain. Kaya hindi nanginain ang mga ito malibang itinala para sa kanya ang bilang ng kinain ng mga ito bilang mga magandang gawa at itinala para sa kanya ang bilang ng mga dumi ng mga ito at mga ihi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Hindi makapuputol ang mga ito ng panali ng mga ito, ang lubid na itinatali sa mga ito roon, saka humila at tumakbo ang mga ito sa mataas na lupa malibang magtatala si Allah para sa kanya ng bilang ng mga bakas ng mga ito at mga dumi ng mga ito bilang mga magandang gawa. Hindi nagparaan ng mga ito ang tagapagmay-ari sa isang ilog, saka uminom ang mga ito mula roon habang hindi naman siya nagnanais na magpainom sa mga ito, malibang magtatala si Allah para sa kanya ng bilang ng nainom ng mga ito bilang mga magandang gawa.
Pagkatapos tinanong ang Propeta (s) tungkol sa mga asno kung ang mga ito ba ay tulad ng mga kabayo.
Kaya nagabi siya: na hindi nagbaba kaugnay sa mga ito ng pagbabatas na natatangi sa mga ito maliban sa talatang ito na kaunti ang katapat, na pangkalahatan para sa lahat ng mga uri ng pagtalima at pagsuway. Ito ay ang sabi ni Allah (Qur'an 99:8): {At ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.} Kaya ang sinumang gumawa sa pagmamay-ari ng mga asno ng isang pagtalima, makakikita siya ng gantimpala niyon; at kung gumawa siya ng isang pagsuway, makakikita siya ng parusa niyon. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng mga gawain.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagkakinakailangan ng pagbibigay ng zakāh at ang matinding parusa laban sa pagkakait nito.
  2. Ang hindi kawalang-pananampalataya ng tagapagkait ng zakāh dala ng pagtatamad-tamaran subalit siya ay nasa isang matinding panganib.
  3. Ang tao ay pinapabuyaan ayon sa mga detalye na nauukol sa paggawa ng pagtalima kapag nagpakay siya ng paggawa ng mga ito kahit pa hindi siya nagpakay ng mga detalyeng iyon.
  4. Sa yaman ay may tungkuling bukod pa sa zakāh.
  5. Bahagi ng karapatan sa mga kamelyo ang paggagatas sa mga ito para sa sinumang pumunta sa mga ito kabilang sa mga maralita sa lugar ng pag-inom ng mga ito ng tubing upang ito ay maging higit na madali sa nangangailangan kaysa sa magsadya sa mga tahanan at higit na mabait para sa mga hayupan. Nagsabi si Ibnu Baṭṭāl: Sa yaman ay may dalawang karapatan: tungkulin ng individuwal at iba pa. Ang paggatas ay kabilang sa mga karapatan na kabilang sa mararangal sa mga kaasalan.
  6. Bahagi ng karapatang kinakailangan sa mga kamelyo, mga baka, at mga tupa ang pagpapalahi ng mga lalaki ng mga ito kapag humiling ang nangangailangan nito.
  7. Ang kahatulan sa mga asno at ang bawat walang nasaad hinggil dito na isang teksto ay napaloloob ito sa sabi ni Allah (Qur'an 99:8): {Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon, at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.}
  8. Nasa talata ang pagpapaibig sa paggawa ng kabutihan, kahit pa man kaunti, at ang pagpapangilabot laban sa paggawa ng kasamaan, kahit pa man hamak.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Aleman Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الليتوانية الدرية الصربية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan