+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «للعبد المملوك المصلح أجران»، والذي نفس أبي هريرة بيده لولا الجهاد في سبيل الله والحج، وبر أمي، لأحببت أن أموت وأنا مملوك.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Ukol sa aliping minamay-aring nagtutuwid ay dalawang kabayaran.' Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Abū Hurayrah ay nasa kamay Niya, kung hindi dahil sa pakikibaka sa landas ni Allah, sa ḥajj, at sa pagpapakabuti sa ina ko, talagang iibigin ko pang mamatay habang ako ay alipin."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: 'Ukol sa aliping minamay-ari, na nagpapayo sa pinapanginoon niya, na ginagampanan ang karapatan ng Panginoon niya, ay dalawang kabayaran dahil sa pagganap niya sa karapatan ni Allah, pagkataas-taas Niya, na mga pagsamba, at sa pagganap niya sa karapatan ng pinapanginoon niya na mga paglilingkod.' Pagkatapos ay nagpabatid pa si Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na kung hindi dahil sa ang alipin ay walang tungkuling makibaka at kung hindi dahil sa pagsasagawa niya ng pagpapakabuti sa ina niya sa pamamagitan ng paggugol at paglilingkod, talagang iibigin niya na mamatay habang siya ay isang alipin dahil sa nauukol na gantimpala.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan