+ -

عن عائشة رضي الله عنها مرفوعاً: ما خُيِّر رسول الله صلى الله عليه وسلم بين أمرين قط إلا أخذ أيسرهما، ما لم يكن إثما، فإن كان إثما، كان أبعد الناس منه، وما انتقم رسول الله صلى الله عليه وسلم لنفسه في شيء قط، إلا أن تُنْتهَك حرمة الله، فينتقم لله تعالى .
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang bagay kailanman malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi kasalanan. Kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon. Hindi naghiganti ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa sarili niya sa anuman kailanman malibang labagin ang kabanalan ni Allāh sapagkat maghihiganti siya para kay Allāh, pagkataas-taas Niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Sa ḥadīth na ito, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nasaad na kabilang sa mga katangian niyang nararapat tularan siya sa mga iyon ng Muslim ay na kapag pinapili siya sa dalawang bagay mula sa mga bagay-bagay ng panrelihiyon at makamundong pamumuhay, pinipili niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat walang pagsuway rito at hindi siya nagagalit para sa sarili niya para maghiganti sa sinumang gumalit sa kanya, bagkus nagagalit siya para kay Allāh, pagkataas-taas Niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges Swahili Asami
Paglalahad ng mga salin