+ -

عن عائشة بنت أبي بكر رضي الله عنهما أن رسول الله -صلى الله عليه وسلم اشترى من يهودي طعاما، ورهنه دِرْعًا من حديد.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā’ishah bint Abū Bakr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay bumili mula sa isang Hudyo ng isang pagkain at nagsangla siya rito ng isang baluting yari sa bakal.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Bumili ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, mula sa isang Hudyo ng isang pagkaing mula sa trigo at nagsangla siya rito ng isang kinakailangan sa kanya sa pakikibaka sa landas ni Allāh at sa pagtataas ng Salita Niya, ang baluti niyang isinusuot niya sa mga digmaan bilang pananggalang - matapos si Allāh, pagkataas-taas Niya - laban sa sandata ng kaaway at pakana nila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin