+ -

عن أنس رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان إذا أوى إلى فراشه، قال: «الحمد لله الذي أطعمنا وسقانا، وكفانا وآوانَا، فَكَمْ مِمَّنْ لا كَافِيَ له وَلاَ مُؤْوِيَ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)"
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag mahihiga na siya noon sa higaan niya, ay nagsasabi: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy." Pinupuri niya si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, na nagpakain sa kanya at nagpainom sa kanya dahil kung hindi nangyaring si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay nagpadali para sa iyo ng pagkaing ito at inuming ito, hindi ka sana nakakain at hindi ka sana nakainom. Kaya purihin mo si Allāh na nagpakain sa iyo at nagpainom sa iyo. Ang "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin..." ay nangangahulugang: nagpadali para sa atin ng mga bagay-bagay, nagbigay sa atin ng mga panustos, at gumawa para sa atin ng isang matutuluyang tinutuluyan natin sapagkat kay rami ng taong nabibigayan ng kasapatan at walang tuluyan o walang nagpapatuloy. Kaya naman nararapat sa iyo, kapag pumunta ka sa higaan mo, na sabihin ang dhikr na ito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa Portuges
Paglalahad ng mga salin