عن أبي هريرة-رضي الله عنه مرفوعاً: «اللهم إني أعوذ بك من الجوع، فإنه بِئْسَ الضَّجِيعُ،وأعوذُ بِكَ منَ الخِيَانَةِ، فَإنَّهَا بِئْسَتِ البِطَانَةُ».
[حسن] - [رواه أبو داود والنسائي وابن ماجه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Allāhumma innī a`ūdhu bika mina -ljū`i fainnahu bi’sa -ḍḍajī`u wa a`ūdhu bika mina -lkhiyānati fainnahā bi’sati -lbiṭānah (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa gutom sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kasiping at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kataksilan sapagkat tunay na ito ay kay saklap na kapalagayang-loob)."
[Maganda] - [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud]
Nagpakupkop ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, laban sa gutom dahil tunay na ito ay kay saklap na kasama dahil nagkakait ito ng kapahingahan sa kaluluwa at puso, at nagpapakupkop siya laban sa kataksilan sa ipinagkatiwala ng nilikha at Tagapaglikha dahil tunay na ito ay kay saklap na alagad ng tao.