عن أَبِي أُمَامَةَ إِياسِ بنِ ثَعْلَبَةَ الحَارِثِيِّ رضي الله عنه أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنِ اقْتَطَعَ حَقَّ امْرِئٍ مُسْلِمٍ بِيَمِينِهِ، فَقَدْ أَوْجَبَ اللهُ لَهُ النَّارَ، وَحَرَّمَ عَلَيْهِ الْجَنَّةَ» فَقَالَ لَهُ رَجُلٌ: وَإِنْ كَانَ شَيْئًا يَسِيرًا يَا رَسُولَ اللهِ؟ قَالَ: «وَإِنْ قَضِيبًا مِنْ أَرَاكٍ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 137]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Umāmah bin Tha`labah Al-Ḥārithīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nangagaw ng karapatan ng isang taong Muslim sa pamamagitan ng panunumpa niya, nag-obliga nga si Allāh para sa kanya ng Impiyerno at nagkait nga sa kanya ng Paraiso." Kaya may nagsabi sa kanya na isang lalaki: "Kahit pa ito ay isang maliit na bagay, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kahit pa isang siit mula sa isang arāk."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 137]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagsumpa kay Allāh nang nagsisinungaling na nakaalam para mang-agaw ng karapatan ng isang taong Muslim sapagkat tunay na ang ganti roon ay ang pagkakarapat-dapat sa Impiyerno at ang pagkakait ng Paraiso. Ito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, kahit pa ang sinumpaan ay isang bagay na kaunti?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kahit pa man iyon ay isang patpat ng siwāk na kinukuha sa punong arāk."