عَنْ سَهْلِ بْنِ مُعَاذِ بْنِ أَنَسٍ عَنْ أَبِيهِ قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ أَكَلَ طَعَامًا فَقَالَ: الحَمْدُ لِلَّهِ الَّذِي أَطْعَمَنِي هَذَا وَرَزَقَنِيهِ مِنْ غَيْرِ حَوْلٍ مِنِّي وَلاَ قُوَّةٍ، غُفِرَ لَهُ مَا تَقَدَّمَ مِنْ ذَنْبِهِ».
[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه وأحمد] - [سنن الترمذي: 3458]
المزيــد ...
Ayon kay Sahl bin Mu`ādh bin Anas, ayon sa ama niya na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang kumain ng pagkain saka nagsabi: Alḥamdu lillāhi –lladhī aṭ`amanī hādhā, wa-razaqanīhi min ghayri ḥawlim minnī wa-lā qūwah (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa akin nito at nagtustos sa akin nito nang walang kapangyarihan mula sa akin ni lakas), magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya."}
[Maganda] - - [سنن الترمذي - 3458]
Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang kumain ng pagkain na magpuri siya kay Allāh sapagkat walang kakayahan sa kanya sa pagkamit ng pagkain ni sa pagkain nito kundi sa pamamagitan ni Allāh (napakataas Siya) at ng pagtulong Niya. Pagkatapos nagbalita ng nakagagalak ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang nagsabi niyon na siya ay karapat-dapat sa pagpapatawad ni Allāh sa kanya sa nakalipas sa mga pagkakasala niyang maliliit.