عن معاوية بن الحَكم السُّلَمي رضي الله عنه قال: بَيْنَا أنا أُصلِّي مع رسول الله صلى الله عليه وسلم ، إذ عَطَس رجُل من القوم، فقلت: يَرْحَمُكَ الله، فَرَمَانِي القوم بأبْصَارهم، فقلت: وَاثُكْلَ أُمِّيَاهْ، ما شَأنُكُم تنظرون إليَّ؟، فجعلوا يضربون بأيْدِيهم على أفْخَاذِهم، فلما رأيتهم يُصَمِّتُونَنِي لكنِّي سَكَتُّ، فلما صلَّى رسول الله صلى الله عليه وسلم ، فَبِأَبِي هو وأمِّي، ما رأيت معَلِّما قَبْلَه ولا بَعده أحْسَن تَعليما منه، فوالله، ما كَهَرَنِي وَلَا ضَرَبني وَلَا شَتَمَنِي، قال: «إن هذه الصلاة لا يَصلح فيها شيء من كلام الناس، إنما هو التَّسبيح والتَّكبير وقراءة القرآن»، أو كما قال رسول الله صلى الله عليه وسلم قلت: يا رسول الله، إنِّي حديث عَهد بِجَاهلية، وقد جاء الله بالإسلام، وإن مِنَّا رجَالا يَأتون الكُهَّان، قال: «فلا تَأْتِهِم» قال: ومِنَّا رجَال يَتَطَيَّرُونَ، قال: ذَاك شَيء يَجِدونه في صُدورهم، فلا يَصُدَّنَّهُمْ -قال ابن الصَّبَّاحِ: فلا يَصُدَّنَّكُم- قال قلت: ومِنَّا رجال يَخُطُّونَ، قال: «كان نَبِي من الأنبياء يَخُطُّ، فمن وافق خَطَه فَذَاك»، قال: وكانت لي جَارية تَرعى غَنَما لي قِبَل أُحُدٍ والْجَوَّانِيَّةِ، فَاطَّلَعْتُ ذات يوم فإذا الذِّيب قد ذهب بِشَاة من غَنَمِهَا، وأنا رجُلٌ من بَني آدم، آسَف كما يَأْسَفُونَ؛ لكني صَكَكْتُهَا صَكَّة، فَأَتَيْت رسول الله صلى الله عليه وسلم فَعظَّم ذلك عليَّ، قلت: يا رسول الله أفلا أُعْتِقُهَا؟ قال: «ائْتِنِي بها»، فَأَتَيْتُهُ بها، فقال لها: «أَيْن الله؟» قالت: في السَّماء، قال: «من أنا؟»، قالت: أنت رسول الله، قال: «أَعْتِقْهَا، فَإِنها مُؤْمِنَةٌ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Mu'awiyah Bin Alhakam Assulamiy -kalugdan nawa siya ng Allah- siya ay nagsabi: Noong ako ay nagdadasal kasama ang Sugo ng Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-, nang bumahin ang isang lalaki mula sa grupo ng mga tao, at sabi ko: Kaawaan ka ng Allah- ibinato ng mga tao sa akin ang kanilang mga paningin, at sabi ko: kapahamakan at kasamaan ina ko! ano ang nangyari sa inyo? tumitingin kayo sa akin, at ipinalo nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga hita at noong nakita ko silang pinatitigil nila ako [nagulat ako],subalit ako ay nanahimik,,at nang makapagdasal na ang Sugo ni Allah -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pag-aalay sa aking ama at sa aking ina",,wala akong nakitang gurong nauna sa kanya at pagkatapos niya na higit na mahusay magturo kaysa sa kanya,Sumpa sa Allah,hindi niya ako sinigawan at hindi niya ako pinalo at hindi niya ako pinahiya,Siya ay nagsabi: ((Katotohanang ang pagdarasal na ito ay hindi nagpapahintulot ng anumang bagay mula sa salita ng mga tao,datapuwat ito ay isang pagpupuri,pagdadakila,at pagbabasa ng Qur`an)) o katulad ng sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-,Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Ako ay bago lamang sa panahon ng kamang-mangan,At talagang ipinadala ni Allah ang Islam,at katotohanang kabilang sa amin ang mga lalaking pumupunta sa mga manghuhula, Nagsabi siya:((Huwag kang pumunta sa kanila)),Nagsabi sya: At kabilang sa amin ang mga lalaking [naniniwala sa mga masamang pangitain],Nagsabi siya:Iyon ay isang bagay na natatagpuan lamang nila sa kanilang mga puso,at hindi ito nakahahadlang sa kanila,Nagsabi si Ibn Sabbah: Walang nakakapagil sa inyo,Nagsabi siya: Sinabi kong: At kabilang sa amin ang mga lalaking gumuguhit,Nagsabi siya: (( Ang isang Propeta mula sa angkan ng mga Propeta ay gumuguhit,at ang sinuman ang sumang-ayon ang pagguhit niya [ito ay ipinapahintulot], Nagsabi siya:Mayroon akong isang katulong na nagpapastol ng mga tupa ko,sa may dakong Uhud,at Al-Jawwaniyyah,Nakita ko ito isang araw,kung-kaya`t ang isang lobo ay pumunta sa isang kambing mula sa mga tupa niya, At ako isang lalaki mula sa angkan ni Adan,nagagalit ako tulad ng pagkagalit nila,subalit nasampal ko siya,Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ginawa niya itong malaking [kasalanan para] sa akin, Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Hindi ko ba siya palalayain? Nagsabi siya: ((Dalhin mo siya sa akin)),Dinala ko siya sa kanya: Nagsabi siya sa kanya: (( Nasaan si Allah?)) Sinabi ko: Sa langit,Nagsabi siya:(( At sino ako?)) Sinabi ko:Ikaw ang Sugo ni Allah,Nagsabi siya: (( Palayain mo siya,sapagkat siya ay mananampalataya))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ipinapaalam ni Mu'awiyah Bin Alhakam Assulamiy -kalugdan nawa siya ng Allah-ang nangyari sa kanya noong siya ay nagdadasal kasama ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa isa sa mga pagdarasal na Jama`ah,kung saan ay narinig niya ang isang lalaking bumahin,at pinuri niya si Allah,[nagsabi ng Alhamdulillah],nagmadali siya-kalugdan siya ni Allah-sa pagsabi ng : Kaawaan ka ni Allah [Pagsabi ng Yarhamukallah],dahil sa pangunahing panuntunan nito,ito ay ang pagsabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ( Kapag bumahin ang isa sa inyo,sabihin niyang: Ang Papuri ay sa Allah [ Alhamdulillah],at sasabihin naman sa kanya ng kapatid niya o nakagawa nito na; Kaawaan ka ni Allah [ Yarhamukallah), at hindi niya alam-kalugdan siya ni Allah na ang kanais-nais sa pagsagot sa bumabahin,ay hindi sa oras ng pagdarasal." ibinato ng mga tao sa akin ang kanilang mga paningin" Ibig sabihin ay nagsenyas sila sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga paningin na walang halong pananalita,at tumingin sila sa kanya ng may kasamang pagsaway,subalit siya-malugod si Allah sa kanya-ay walang kaalam-alam [kung ano] ang dahilan ng pagsaway nila sa kanya,wala siyang ibang naisip maliban sa sinabi niya sa kanila: " kapahamakan at kasamaan ina ko!" at ang kahulugan nito ay: Nawala ito sa akin sapagkat ako ay nasawi. Ano ang nangyari sa inyo? Ibig sabihin: Ano ang situwasyon ninyo at nangyayari sa inyo. " Nakatingin kayo sa akin" Ibig sabihin: Bakit kayo tumitingin sa akin nang may halong galit. "at ipinalo nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga hita" Ibig sabihin ay: Dinagdagan nila ang pagsaway sa kanya sa pamamagitan ng pagpalo nila sa mga kamay nila sa mga hita,kaya naintindihan niya sa kanila na nais nilang patahimikin siya at tumigil ito sa pananalita,kaya tumahimik siya."at noong nakita ko silang pinatitigil nila ako [nagulat ako],subalit ako ay nanahimik" Ang kahulugan nito: Nang malaman kong inuutusan nila ako na tumigil sa pagsasalita,nagulat ako dahil sa kamang-mangan ko,sa sobrang sama ng nagawa ko [para sa kanila],at labis ng pasaway nila sa akin,At ninais kong makipagtalo sa kanila, Subalit nanahimik ako bilang pagsunod;dahil sila ay higit na maalam sa akin,at wala akong ginawa sa oras ng pagkagalit ko at hindi rin ako nagtanong kung ano ang dahilan. " At nang makapagdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-" Ibig sabihin ay: natapos at nakapagpahinga mula sa kanyang pagdarasal. " at pag-aalay sa aking ama at sa aking ina" Ibig sabihin ay:Nag-aalay sa aking ama at sa aking ina,at hindi ito panunumpa,subalit ito ay pag-aalay sa ama at ina,"wala akong nakitang gurong nauna sa kanya at pagkatapos niya na higit na mahusay magturo kaysa sa kanya"; Dahil ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay hindi naging mahigpit sa kanya at hindi siya sinigawan,subalit ipinahayag nito sa kanya ang panuntunan sa Batas ng Islam,sa pamamaraang katanggap -tanggap at susundin."Sumpa sa Allah,hindi niya ako sinigawan" Hindi niya ako sinigawan at hindi siya naging marahas sa akin sa pananalita," At hindi niya ako pinalo" Ibig sabihin ay: hindi niya ako pinarusahan sa pamamagitan ng pagpalo dahil sa natamo kong pagsuway." At hindi niya ako pinahiya" Hindi siya naging marahas sa akin sa pananalita,subalit ipinahayag niya sa akin ang panuntunan sa Batas ng Islam,nang mahinahon.Sapagkat nagsabi siya sa akin: "Katotohanang ang pagdarasal na ito ay hindi nagpapahintulot ang anumang bagay mula sa salita ng mga tao,datapuwat ito ay isang pagpupuri,pagdadakila,at pagbabasa ng Qur`an" Ibig sabihin ay: Hindi ipinapahintulot sa pagdarasal ang salita ng mga tao na siyang ginagamit sa pagitan nila,tunay na ang mga iyon sa unang panahon ay ipinapahintulot sa unang panahon sa Islam pagkatapos ito ay pinalitan,at ang natitira lamang sa pagdarasal ay ang: pagpupuri,pagdadakila at pagbabasa ng Qur-an." Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Ako ay bago lamang sa panahon ng kamang-mangan" Ibig sabihin: Malapit sa kapanahunan ng kamang-mangan, At ang kamang-mangan ay tumutukoy sa [panahong] bago dumating ang batas ng Islam, Tinawag itong kamang-mangan dahil sa dami ng kamang-mangan nila at kasamaan nila."At ipinarating ni Allah ang Islam" Ibig sabihin:lumipat ako mula sa kawalan ng pananampalataya tungo sa Islam,at wala pa akong kaalam-alam sa mga panuntunan ng relihiyon."At kabilang sa amin ang mga lalaking pumupunta sa manghuhula" Ibig sabihin ay: Tunay na kabilang sa mga kasamahan niya ang pumupunta sa manghuhula at nagtatanong sa kanila tungkol sa mga bagay na lingid na mangyayari sa hinaharap."Nagsabi siya: Huwag kang pumunta sa kanila" At kaya niya ipinagbawal ang pagpunta sa mga manghuhula;dahil sila ay nagsasalita tungkol sa mga bagay na lingid,maaaring mangyari ang iba rito at [maging] tama,at natakot siya na matukso ang mga tao dahil doon.dahil liniligaw nila ang mga tao sa maraming bagay mula sa mga batas ng Islam,talagang lumitaw mga tumpak na mga Hadith ukol sa pagbabawal sa pagpunta sa mga manghuhula,at paniniwala sa anumang sinasabi nila,at ang pagbabawal sa anumang ibinibigay nilang matatamis."At kabilang sa amin ang mga lalaking [naniniwala sa mga masamang pangitain] sa mga ibon" Ang pangitain sa ibon:Masamang pangitain sa nakikita o naririnig,o panahon,o lugar. At ang mga Arabo ay kilala sa [paniniwala sa ] masamang pangitain,Hanggang sa kapag ninais ng isang tao mula sa kanila ang kabutihan pagkatapos ay nakakita ng ibon na pumunta sa bandang kanan o kaliwa,batay sa anumang nakasanayan nila,matatagpuan mo siyang magpapahuli sa ninanais nito,at kabilang naman sa kanila;kapag nakarinig ng boses o nakakita ng isang tao [paniniwalaan niya itong ] isang masamang pangitain, at kabilang sa kanila ay naniniwala sa masamang pangitain mula sa buwan ng Shawwal,para sa pagkasal;at kabilang sa kanila ang naniniwala sa masamang pangitain ng araw ng Miyerkules o sa buwan ng Safar,at ang lahat ng mga ito ay pinabulaanan sa batas ng Islam, dahil sa pinsala nito sa mga tao,sa isip ,pag-iisip at pag-uugali.At dahil sa hindi pagpapahalaga ng tao sa mga bagay na ito,ay ang tinatawag na pagtitiwala sa Allah."Nagsabi siya:Iyon ay isang bagay na natatagpuan lamang nila sa kanilang mga puso,at hindi ito nakahahadlang sa kanila" Na ang pangitain ay isang bagay na nakikita nila sa kanilang mga sarili na kinakailangang gawin,at hindi kinamumuhian sa kanila ang mga iyon;sapagkat hindi ito pinaghihirapan sa kanila,kaya walang pasanin rito;subalit hindi dapat sila nahahadlangan dahil rito,sa mga kilos nila sa kanilang mga gawain,at ito ang kanilang higit na pinapahalagahan,na siyang pinaghihirapan para sa kanila,at nagaganap rito ang pasanin,kaya`t ipinagbawal sa kanila ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa mga gawaing pangitain,at ang pagpapatigil sa mga ikinikilos nila dahil sa mga ito,at tunay na lumitaw ang tumpak na mga hadith ukol sa pagbabawal sa pangitain, At ang tinutukoy na pangitain rito ay:yaong may kasamang pagsasagawa rito,at hindi ang yaong nakikita lamang ng tao sa kanyang sarili at hindi naman niya ginagawa ang mga kinakailangan rito para sa kanila," Nagsabi siya:Sinabi kong:At kabilang sa amin ang mga lalaking gumuguhit" Ang pagguhit para sa mga arabo; ay kapag dumating ang isang lalaking manghuhula at harap niya ay matatagpuan ang isang batang lalaki,uutusan niya na gumuhit sa buhangin ng maraming linya,pagkatapos ay uutusan niya ito na bumura rito ng dalawa,dalawa,pagkatapos ay titingnan niya ang pinakahuling matitira sa mga linyang iyon,at kapag ang natira rito ay pares o dalawa,ito ay isang palatandaan ng tagumpay at pag-asa,at kapag [ang natira ay] ay iisa lamang,ito ay isang palatandaan ng pagiging kasawian at kawalan ng pag-asa, "Ang isang Propeta mula sa angkan ng mga Propeta ay gumuguhit" Ibig sabihin ay siya ay gumuguhit tulad ng pagguhit sa buhangin,kaya`t nalalaman niya ang mga bagay dahil sa kabatiran sa pamamagitan ng paggamit sa mga linyang iyon,at sinasabi na sila ay sina Propeta Idris o Danyal-sumakanila ang pagpapala at pangangalaga-"at ang sinuman ang sumang-ayon ang pagguhit niya" Ibig sabihin ay ang guhit ng yaong Propeta-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga--"ito ay ipinapahintulot" Ibig sabihin: Ang sinuman ang sumang-ayon sa guhit ng yaong Propeta-ito ay pinapayagan sa kanya- subalit walang ibang paraan sa atin sa tiyak na kaalaman na ito ay sumang-ayon [sa guhit ng Propeta],kaya hindi ito ipinapahintulot, At ang ibig sabihin nito ay ipinagbbawal, sapagkat hindi ito ipinapahintulot maliban sa katiyakan nito na ito ay sumasang-ayon,at wala sa atin ang katiyakan rito, at maaaring ito ay napalitan na sa ating batas,[Ang Islam], At maaari ring ang kadahilanan sa pagpapahintulot ng pagguhit ay bilang kaalaman sa propesiya ng yaong propeta at ngunit ito ay naputol kaya ipinagbawal sa atin ang paggamit ng iyon, Ang hadith ay nagpapatunay sa pagbabawal ng paggawa ng kaalaman sa pagguhit,at hindi sa pagpapahintulot nito,tulad ng pagpapatunay sa pagpapawalang-bisa sa pamamaraan ng mga tao ukol sa kaalaman sa buhangin,at sa pinsala nito,sapagkat ang pagsang-ayon rito ay nangangailangan ng kaalaman rito,at ang kaalaman ay makakamit sa dalawang pamamaraan:Una rito:Tekstong hayag [malinaw],tumpak sa pagpapahayag sa pamamaraan ng kaalamang ito. Ang pangalawa:Ang paglipat nito mula sa mga grupo ng mga tao, mula sa kapanahunan ng yaong propeta tungo sa panahon ng Propeta Muhammad-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at pareho ang dalawang ito na malayo.At nararapat lamang na mapag-alaman sa kalagayang ito na ang mga Propeta-ay hindi kailanman nagkunwari na sila ay may kaalaman sa mga lingid,at hindi nila ipinapaalam sa mga tao na sila ay nakakaalam sa mga lingid,at ang ipinaalam lamang nila sa mga tao mula sa lingid ay walang iba kundi ang muling pagbuhay ng Allah sa kanila,subalit hindi nila ito itinuturing na ito ay mula sa kanilang mga sarili, tulad ng sinabi ni Allah-pagkataas-taas Niya:{ Siya ang lubos na nakatatalastas ng mga nakalingid at hindi Niya ibinubunyag ang Kanyang [kaalaman ng] nalilingid sa sinuman,maliban sa kanya na Kanyang pinatibayan sa mga sugo,at katotohanang Siya ay nagparating sa harapan niya at sa likuran niya ng mga tagapagmasid [ tagabantay na mga Anghel na nangangalaga sa sugo at mensahe} [ Al-Jinn:26-27],dahil ang mga nakalingid ay kabilang itinalaga ni Allah sa Kanyang kaalaman,kaya walang sinuman ang nagpapanggap nito sa kanyang sarili maliban sa siya ay nagpapanggap sa ilang mga katanggian ng pagiging isang diyos na tagapagsustento [sa pangangailangan ng nilikha],at ito ang ginagawa ng mga maraming diyus-diyusan sa pagawaang ito,kayat lumitaw rito ang pagkasinungaling nila sa pag-anyaya na ang maluwalhating propeta na ito ay nagtuturo sa kanila, "Nagsabi siya:Mayroon akong isang katulong na nagpapastol ng mga tupa ko,sa may dakong Uhud,at Al-Jawwaniyyah," Mayroon siyang katulong na nagpapastol sa mga tupa niya sa lugar na malapit sa may bundok ng Uhod, "Nakita ko ito isang araw,kung-kaya`t ang isang lobo ay pumunta sa isang kambing mula sa mga tupa niya" Ibig sabihin ay: Napag-alaman niya na ang isang lobo ay lumamon sa kambing niya,Ang tupa ay sa kanya,ngunit nagsabi siyang tupa niya,Ibig sabihin ay dumating siya upang gawin ang pangangalaga rito, "At ako isang lalaki mula sa angkan ni Adan,nagagalit ako tulad ng pagkagalit nila" Ang galit: poot, Ibig sabihin ay nagalit ako sa kanya dahil sa pagkain ng lobo sa kambing,inibig kong paluin siya ng malakas na pagpalo,dahil sa tindi ng galit ko,"subalit nasampal ko siya" liban sa hindi ko ito nagawa,subalit hindi ko [napigilan ang aking sarili] na sampalin ko siya,"Dumating ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ginawa niya itong malaking [kasalanan para] sa akin" Pagkatapos niyang sampalin ito,dumating siya sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at ipinaalam niya sa kanya ang nangyari,at pinalaki niya ang pagsamapal niya sa kanya- Ibig sabihin ay: ginawa niya itong malaking bagay sa kanya. At nang makita ni Muawiyyah bin Al Hikam Assulamiy-malugod si Allah sa kanya-ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na talagang naapektuhan siya sa ginawa niyang iyon,at dinibdib niya ito sa kanyang sarili, siya ay nagsabing: "Sinabi ko: O Sugo ni Allah! Hindi ko ba siya palalayain?" Ibig sabihin ay,palalayain ko siya mula sa pagiging alipin kapalit ng pagpalo ko sa kanya,:Nagsabi siya" (dalhin mo siya sa akin) at dinala ko siya sa kanya,Sinabi niya sa kanya:(( Nasaan si Allah?)) Ibig sabihin ay nasaan ang sinasamba ang karapat-dapat,ang nagtatangi ng ganap na katangian, At sa isang salaysay:( Nasaan ang panginoon mo?) Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay layuni niya sa pagtatanong na ito ang paninigurado na siya ay kumikilala sa nag-iisang diyos, Sinagot niya ito ng sagot na mauunawan ang layunin niya,sapagkat ang palatandaan sa mga kumikilala sa nag-iisang diyos,ang kanilang paniniwala na si Allah ay nasa langit. " Nagsabi siya: sa langit" At ang kahulugan ng nasa langit: Ang kataas-taasan,na Siya-napakamaluwalhati Niya ay nasa itaas ng lahat ng bagay,at sa taas ng Kanyang Trono,na siyang bubong ng mga likha, Nagsabi siya: ((At sino ako?)) Nagsabi siya: Ikaw ang Sugo ni Allah, Nagsabi siya:((Palayain mo siya,sapagkat siya ay mananampalataya)) Nang siya ay magsaksi sa kataas-taasan ni Allah-pagkataas taas Niya,at sa mensahe niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ipinag-utos niya na palayain siya, dahil ito ay pagpapatunay sa pananampalataya niya at dalisay na paniniwala niya