عن عبد الله بن عمر رضي الله عنهما مرفوعاً: «ما حق امرئ مسلم له شيء يوصي فيه؛ يبيت ليلتين إلا ووصيته مكتوبة عنده».
زاد مسلم: قال ابن عمر: «ما مرت علي ليلة منذ سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول ذلك، إلا وعندي وصيتي».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim na may bagay na ihahabilin hinggil doon na hindi magpalipas ng dalawang gabi malibang ang habilin niya ay nakasulat sa piling niya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Hindi bahagi ng pagiging karapat-dapat, tama, at mabuting pagpapasya para sa sinumang mayroong bagay na ninanais ihabilin at linawin, na ipagpapaliban iyon hanggang sa matagal na panahon. Dapat magdali-dali sa pagsulat nito at paglilinaw nito. Ang haba na pinapayagang hindi naisaulat ito ay dalawang araw. Dahil dito, tunay na si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, matapos na marinig niya ang payong ito ng Propeta ay nagrerepaso noon ng habilin niya gabi-gabi bilang pagsunod sa utos ng tagapagbatas at paglilinaw sa tungkulin.