عن أسامة بن زيد رضي الله عنهما عن النبي صلى الله عليه وسلم قال:
«مَا تَرَكْتُ بَعْدِي فِتْنَةً أَضَرَّ عَلَى الرِّجَالِ مِنَ النِّسَاءِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 5096]
المزيــد ...
Ayon kay Usāmah bin Zayd (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hindi ako mag-iiwan matapos ko ng isang tukso na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 5096]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay hindi mag-iiwan matapos niya ng isang pagsubok at isang pagsusulit na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Kung ang babae ay kabilang sa mag-anak niya, maaaring may mangyari sa kanya na pagsubaybay dito kaugnay sa pagsalungat sa Batas ng Islām. Kung ito naman ay isang babaing estranghera sa kanya, [ang pagsubok ay] ang pakikihalubilo niya, ang pakikipagsarilihan niya rito, at ang inireresulta roon na mga katiwalian.