عن أنس رضي الله عنه قال: دخل النبي صلى الله عليه وسلم المسجد فإذا حبل ممدود بين الساريتين، فقال: «ما هذا الحبل؟» قالوا: هذا حبل لزينب، فإذا فَتَرَتْ تَعَلَّقَتْ به. فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «حُلُّوهُ، لِيُصَلِّ أحدكم نشاطه فإذا فَتَرَ فليرقد».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
`Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya, na nagsasabi: "Pumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa masjid at [nakapansin na] may lubid na nakabanat sa pagitan ng dalawang panukod. Nagsabi siya: Ano ang lubid na ito? Nagsabi sila: Ang lubid na ito ay para kay Zaynab sapagkat kapag nanghina siya, kumakapit siya rito. Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Kalagin ninyo iyan; magdasal ang [bawat] isa sa inyo ayon sa sigla niya at kapag napagod siya ay matulog siya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Pumasok ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, sa masjid at nakatagpo siya sa harapan niya ng isang lubid na nakasabit sa pagitan ng dalawa sa mga haligi ng masjid. Nagulat siya. Tinanong niya ang dahilan ng pagsasabit niyon at nagsabi sa kanya ang mga kasamahan niya na iyon ay kay Zaynab. Nagdarasal ito ng kusang-loob na dasal at pinatatagal iyon. Kapag nakaramdam ito ng pagod, nagdarasal ito at kumakapit sa lubid. Nag-utos ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na alisin ang lubid. Hinimok niya na magpakakatamtaman sa pagsamba. Ipinagbawal niya ang pagpapakalulon doon upang mapagtuunan iyon nang may sigla.