عن أنس بن مالك رضي الله عنه مرفوعاً: «ما من نبي إلا وقد أنذر أمته الأعور الكذاب، ألا إنه أعور، وإن ربكم - عز وجل - ليس بأعور، مكتوب بين عينيه ك ف ر»
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allah sa kanya: "Walang isang propetang hindi nga nagbabala sa kalipunan niya laban sa kirat na palasinungaling. Pakatandaan, tunay na siya ay kirat at tunay na ang Panginoon ninyo, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay hindi kirat. May nakasulat sa pagitan ng mga mata niya na KFR."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang bawat propetang isinugo ni Allah ay nagbabala sa mga kalipunan nito at pinag-ingat nito sila laban sa Bulaang Kristo dahil sila ay nakaalam hinggil sa paglabas niya at sa tindi ng tukso niya. Nagpaliwanag sila ng isang bagay sa mga katangian niya. Nabanggit sa ḥadīth na ito na siya ay kirat samantalang si Allah, napakamaluwalhati Niya, malayo sa katangiang ito. Kabilang din sa mga katangian niya ay may nakasulat sa pagitan ng mga mata niya na KFR.