+ -

عن أبي كبشة عمرو بن سعد الأنماري رضي الله عنه مرفوعاً: «ثلاثة أقسم عليهن، وأحدثكم حديثاً فاحفظوه: ما نقص مال عبد من صدقة، ولا ظلم عبد مظلمة صبر عليها إلا زاده الله عزًا، ولا فتح عبد باب مسألة إلا فتح الله عليه باب فقر -أو كلمة نحوها- وأحدثكم حديثًا فاحفظوه»، قال: «إنما الدنيا لأربعة نفر: عبد رزقه الله مالاً وعلمًا، فهو يتقي فيه ربه، ويَصِلُ فيه رحمه، ويعلم لله فيه حقًا، فهذا بأفضل المنازل. وعبد رزقه الله علما، ولم يرزقه مالاً، فهو صادق النية، يقول: لو أن لي مالا لَعَمِلْتُ بعمل فلان، فهو بنيته، فأجرهما سواء. وعبد رزقه الله مالاً، ولم يرزقه علما، فهو يخبط في ماله بغير علم، لا يتقي فيه ربه، ولا يصل فيه رحمه، ولا يعلم لله فيه حقًا، فهذا بأخبث المنازل. وعبد لم يرزقه الله مالاً ولا علمًا، فهو يقول: لو أن لي مالا لعملت فيه بعمل فلان، فهو بنيته، فوزرهما سواء».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Kabshah `Amr bin Sa`d Al-Anmārīy, malugod si Allah sa kanya: "May tatlong [kalagayang] sumumpa ako para sa mga ito. Magsasalita ako sa inyo sa isang pagsalita kaya isaulo ninyo ito: Hindi nabawasan ang yaman ng isang tao dahil sa kawanggawa, walang ipinaranas sa isang tao na isang paglabag sa katarungang pinagtiisan niya ito malibang dadagdagan siya ni Allah ng karangalan, walang taong nagbukas ng pinto ng panghihigi malibang magbubukas si Allah sa kanya ng pinto ng karalitaan, o pananalitang tulad nito. Magsasalita ako ng isang pagsasalita kaya isaulo ninyo ito." Nagsabi siya: "Ang mundo ay para sa apat na tao lamang: isang taong tinustusan ni Allah ng yaman at kaalaman at siya ay nangngilag magkasala dahil dito sa Panginoon niya, nakikipag-ugnayan siya dahil dito sa kaanak niya, at kumikilala siya para kay Allah ng karapatan sa kanya kaya ito ay nasa pinakamainam sa mga kalagayan; isang taong tinustusan ni Allah ng kaalaman ngunit hindi siya tinustusan ng yaman at siya ay tapat ang layunin, na nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa na sana ako ng ginawa ni Polano,' at siya ay ayon sa layon niyon kaya ang kabayaran nilang dalawa ay magkapantay; isang taong tinustusan ni Allah ng yaman ngunit hindi siya tinustusan ng kaalaman kaya siya ay nagpadaskul-daskol siya yaman niya nang walang kaalaman: hindi siya nangingilag magkasala sa Panginoon niya, hindi siya nakikipag-ugnayan dahil dito sa kaanak niya, at hindi siya kumikilala para kay Allah ng karapatan sa kanya kaya ito ay nasa pinakamasama sa mga kalagayan; at isang taong hindi tinustusan ni Allah ng yaman ni kaalaman kaya siya ay nagsasabi: 'Kung sakaling mayroon akong yaman, talagang gumawa na sana ako dahil dito ng ginawa ni Polano,' at siya ay ayon sa layon niyon kaya ang pasanin nilang dalawa ay magkapantay."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

May tatlong katangiang sinumpaan ng Propeta, (s), at nagsalita siya sa kanila ng isang pang pagsasalita. Tungkol sa tatlong katangian, ang mga ito ay ang sumusunod: 1. Hindi nabawasan ang yaman ng tao dahil sa kawanggawa; nangangahulugan ito na hindi nababawasan ang biyaya nito dahil sa pagbibigay ng kawanggawa. 2. Kapag pinaranas ang isang tao ng kawalang katarungan at tiniis niya ito, dadagdagan siya ni Allah dahil doon ng karangalan; nangangahulugan ito ang natamong kawalang katarungan, kahit pa man ito ay naglalaman ng isang uri ng panghahamak, ay pararangalan siya ni Allah dahil doon at hahamakin ang lumalabag sa katarungan. 3. Kapag binuksan ng isang tao para sa sarili niya ang pintuan ng panghihingi sa mga tao, hindi dahil sa isang pangangailangan at isang kagipitan bagkus dahil sa layong magpayaman at madagdagan, pahihirapin siya ni Allah sa pamamagitan ng pagbukas para sa kanya ng pintuan ng iba pang pangangailangan o aalisin sa kanya ang taglay niyang biyaya. Pagkatapos ay binanggit niya na ang mundo ay ukol sa apat na uri at binanggit niya sila.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin