عن أبي طَرِيف عدي بن حاتم رضي الله عنه مرفوعاً: «مَن حَلَف على يَمِين ثم رأى أَتقَى لله مِنها فَلْيَأت التَّقوَى».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Tarif bin`Udayy bin Hatim, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu:(( Sinuman ang manumpa sa isang Panunumpa at nakita niya ang higit na kinalulugdan ni Allah,gawin niya ang higit na kinalulugdan ni Allah))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Sa Hadith [ay tumutukoy]: Sinuman ang manumpa na iwanan ang isang bagay,o gawain nito,at nakita niya na ang pagsuway rito ay higit na mabuti kaysa pagpapatuloy sa pinanumpaan at higit na kalugod-lugod kay Allah,Iwan niya ang pinanumpaan niya at gawin niya ang higit na mabuti,dahil sa ito ay kaibig-ibig at mainam.At kung ang pinanumpaan niya ay kabilang sa nararapat na isagawa o iwan niya,tulad ng panunumpa niya na iiwan niya ang pagdarasal o tunay na iinum siya ng nakakahilo,nararapat sa kanya ang pagsuway rito at gawin niya ang mga bagay na higit na kinalulugdan [ni Allah] mula sa paggawa ng mga ipinag-uutos sa kanya at pag-iwan sa ipinagbabawal sa kanya.