عن أبي شُريح -خُوَيْلِدِ بن عمرو الخُزَاعي العدوي رضي الله عنه-: أنه قال لعمرو بن سعيد بن العاص -وهو يبعث الْبُعُوثَ إلى مكة- ائْذَنْ لي أيها الأمير أن أُحَدِّثَكَ قولا قام به رسول الله صلى الله عليه وسلم الغد من يوم الفتح؛ فسمعَتْه أُذُنَايَ ، وَوَعَاهُ قلبي، وأبصرته عيناي حين تكلم به أنه حمد الله وأثنى عليه، ثم قال: «إن مكة حَرَّمَهَا الله تعالى، ولم يُحَرِّمْهَا الناس، فلا يحل لِامْرِئٍ يؤمن بالله واليوم الآخر: أن يسفك بها دمًا، ولا يعضد بها شجرة، فإن أحد ترخص بقتال رسول الله صلى الله عليه وسلم فقولوا: إنَّ الله أذِن لرسوله ولم يأذن لكم. وإنما أذِنَ لي ساعة من نهار، وقد عادت حُرْمَتُهَا اليوم كَحُرمتها بالأمْسِ، فَلْيُبْلِغِ الشَّاهِدُ الغائب».
فقيل لأبي شريح: ما قال لك؟ قال: أنا أعلم بذلك منك يا أبا شريح، إن الحرم لَا يُعِيذُ عاصيا، وَلَا فَارًّا بدمٍ، ولَا فَارًّا بِخَرْبَةٍ.
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Al-Khaṭṭāb Qatādah Abū Shurayḥ Khuwaylid bin `Amr Al-Khuzā`īy Al-`Adawīy, malugod si Allāh sa kanya: Siya ay nagsabi kay `Amr bin Sa`īd bin Al-`Āṣṣ nang ito ay nagpapadala ng mga hukbo patungong Makkah: Magpahintulot ka sa akin, o pinuno, na magsalaysay sa iyo ng pananalitang sinabi ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa kinabukasan ng araw ng pagsakop. Narinig siya ng mga tainga ko, natalos siya ng puso ko, at nakita siya ng mga mata ko nang nagsalita siya tungkol doon. Nagpuri siya kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tunay na ang Makkah ay binanal ni Allāh, pagkataas-taas Niya, at hindi iyon binanal ng mga tao kaya hindi ipinahihintulot sa taong naniniwala kay Allāh at sa Huling Araw na magpadanak doon ng dugo ni pumutol doon ng punong-kahoy sapagkat tunay na kung may isang nagpaalam [para makipaglaban] dahil sa pakikipaglaban ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay magsabi kayo: 'Tunay na si Allāh ay nagpahintulot sa Sugo Niya at hindi nagpahintulot sa inyo.' Nagpahintulot Siya sa akin sa isang yugto sa maghapon lamang. Nanumbalik na ang kabanalan niyon sa araw na ito gaya ng kabanalan niyon kahapon kaya iparating ng nakasasaksi sa nakaliban."Kaya sinabi kay Abū Shurayḥ: "Ano ang sinabi nito sa iyo?" Nagsabi ito: "Ako ay higit na nakaaalam doon kaysa sa iyo, o Abū Shurayḥ; tunay na ang pook na binanal ay hindi nagkukupkop ng isang sumusuway, ni ng isang tumatakas dahil sa pagpaslang, ni tumatakas dahil sa pagnanakaw.
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Noong ninais ni `Amr bin Sa`īd bin Al-`Āṣṣ, kilala bilang Al-Ashdaq, na maghanda ng hukbo patungong Makkah, habang ito nang araw na iyon ay isang pinuno ni Yazīd bin Mu`āwiyah sa Madīnah Munawwarah, para makipaglaban kay `Abdullāh bin Az-Zubayr, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, pumunta sa kanya si Abū Shurayḥ Khuwaylid bin `Amr Al-Khuzā`īy Al-`Adawīy upang pagpayuhan siya hinggil doon. Dahil sa ang pinagpapayuhan ay malaking tao sa sarili nito, nagpakabanayad si Abū Shurayḥ rito sa pakikipag-usap dala ng katalinuhang taglay niya at katinuan ng isip upang maging higit na kaakit-akit sa pagtanggap ng payo at sa kaligtasan ng kahihinatnan. Nagpaalam siya rito upang magbigay rito ng payo hinggil sa usapin ng pagpapadala nito ng hukbo na pinagsusumikapan nito. Ipinabatid niya rito na siya ay nakatitiyak sa katumpakan ng ḥadīth na ibibigay niya rito at nagtitiwala sa pagkatotoo niyon yamang narinig iyon ng mga tainga niya, natalos ng puso niya, at nakita ng mga mata niya nang nagsasalita hinggil doon ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Pinahintulutan naman siya ni `Amr bin Sa`īd bin Al-`Āṣṣ sa pagsasalita. Nagsabi si Abū Shurayḥ: Tunay na ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, noong umaga ng pagsakop sa Makkah ay nagpuri kay Allāh at nagbunyi sa Kanya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "Tunay na ang Makkah ay binanal ni Allāh sa araw ng paglikha ng mga langit at lupa," kaya ito ay matanda sa pagdakila at pagbabanal, "hindi ito binanal ng mga tao gaya ng pagbabanal sa laang pastulang pansamantala, mga karaniwang pastulan, at mga tubigan. Si Allāh lamang ang nagsagawa ng pagbabanal nito upang maging higit na dakila at higit na taimtim. Kaya kapag ang pagbabanal doon ay matanda na at mula kay Allāh, hindi ipinahihintulot sa taong naniniwala kay Allāh at sa Huling Araw - kung ito ay nangangalaga sa pananampalataya nito - na magpadanak doon ng dugo ni pumutol ng punong-kahoy. Kung may isang nagpaalaman makipaglaban dahil sa pakikipaglaban ko sa araw ng pagsakop, sabihin ninyo: Tunay na ikaw ay hindi gaya ng kalagayan ng Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sapagkat nagpahintulot nga Siya sa kanya at hindi nagpahintulot sa iyo yamang Siya ay hindi nagpahintulot ng paglalaban doon palagi. Ito ay isang yugto sa maghapon lamang ayon sa pangangailangang iyon. Bumalik na ang kabanalan nito gaya ng dati kaya iparating na nakasasaksi sa lumiban." Dahil dito ipinarating ko sa iyo, o pinuno, dahil sa pagiging saksi ko sa pananalitang ito noong umaga ng pagsakop at ikaw ay hindi nakasaksi niyon. Nagsabi ang mga tao kay Abū Shurayḥ: "Ano ang isinagot sa iyo ni `Amr?" Nagsabi siya: Sinagot niya ako sa sabi niya: "Ako ay higit na nakaaalam niyon kaysa sa iyo, o Abū Shurayḥ; tunay na ang pook na binanal ay hindi nagkukupkop ng isang suwail ni ng isang tumatakas dahil sa pagnanakaw." Sinalungat nito ang ḥadīth ayon sa opinyon nito at hindi ito nagpigil sa pagpapadala ng mga hukbo upang kalabanin si Ibnu Az-Zubayr, bagkus ipinagpatuloy nito iyon. Taysīr Al-`Allām pahina 381, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/509-510, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/346.