عَنْ عُقْبَةَ بْنَ عَامِرٍ الْجُهَنِيَّ رضي الله عنه قَالَ:
ثَلَاثُ سَاعَاتٍ كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَنْهَانَا أَنْ نُصَلِّيَ فِيهِنَّ، أَوْ أَنْ نَقْبُرَ فِيهِنَّ مَوْتَانَا: حِينَ تَطْلُعُ الشَّمْسُ بَازِغَةً حَتَّى تَرْتَفِعَ، وَحِينَ يَقُومُ قَائِمُ الظَّهِيرَةِ حَتَّى تَمِيلَ الشَّمْسُ، وَحِينَ تَضَيَّفُ الشَّمْسُ لِلْغُرُوبِ حَتَّى تَغْرُبَ.
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 831]
المزيــد ...
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May tatlong oras na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa atin na magdasal tayo sa mga ito o maglibing tayo sa mga ito ng mga patay natin: Kapag lumalabas ang araw habang sumisikat hanggang sa makaangat ito, kapag sumasapit ang kalagitnaan ng tanghali hanggang sa kumiling ang araw, at kapag humihilig ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 831]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong oras mula sa maghapon na dasalin sa mga ito ang ṣalāh ng pagkukusang-loob o ilibing at ibaon sa mga ito ang mga patay: Ang Unang Oras: Kapag lumalabas ang araw habang sumisikat. Iyon ay sandali ng simula ng paglabas nito hanggang sa makaangat ito sa sukat na isang sibat, na tinatayang 15 minuto humigit-kumulang [mula ng pagsikat]. Ang Ikalawang Oras: Kapag pumapagitna ang araw sa kalagitnaan ng langit kaya hindi ito magkakaroon ng anino sa dako ng silangan o kanluran hanggang sa lumihis palayo sa gitna ng langit at lumitaw ang anino mula sa dako ng silangan kung kailan nagsisimula ang ṣalāh na ḍ̆uhr. Ito ay isang maikling sandali, na kasingtagal ng limang minuto humigit-kumulang. Ang Ikatlong Oras: Kapag kumikiling at nagsisimula ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.