عن عبد الله بن عباس رضي الله عنه قال: «شَهِد عِندِي رِجَال مَرْضِيُون - وأَرْضَاهُم عِندِي عُمر- أنَّ النَبِي صلى الله عليه وسلم نَهَى عن الصَّلاة بَعد الصُّبح حتَّى تَطلُعَ الشَّمسُ، وبعد العصر حتَّى تَغرُب».
وعن أبي سعيد رضي الله عنه عن رسول الله صلى الله عليه وسلم أنه قال: «لا صَلاَة بعد الصُّبح حتَّى تَرتَفِعَ الشَّمسُ، ولا صَلاَة بعد العَصرِ حتَّى تَغِيبَ الشَّمس».
[صحيح] - [حديث ابن عباس رضي الله عنه: متفق عليه.
حديث أبي سعيد رضي الله عنه: متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullah bin `Abbas-malugod si Allah sa kanya-siya ay nagsabi: ((Nagsaksi sa akin ang mga kalalakihan na kinalulugdan-at kinalulugdan ko sa kanila,para sa akin ay si `Umar-Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagbawal ng pagdarasal,pagkatapos ng Subh hanggang sa pagsikat ng araw,at pagkatapos ng `Asr hanggang sa paglubog)) At ayon kay Abe Said-malugod si Allah sa kanya-Buhat sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-siya ay nagsabi: (( Walang pagdarasal pagkatapos ng Subh hanggang sa tumaas ang araw,at walang pagdarasal pagkatapos ng Asr hanggang sa lumubog ang araw))
[Tumpak] - [napagkaisahan ang katumpakan sa dalawang salaysay niya]
Ipinagbawal ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- sa dalawang Hadit na ito-ang pagdarasal ,pagkatapos ng dasal na Subh hanggang sa sumikat ang araw at tumaas sa guhit ng dulo ng palaso sa paningin ng mata,na may sukat na kasing haba ng palaso na nakaguhit sa kalangitan,at ito ay nasusukat ng ilang minuto,at nagkakaiba [ng opinyon] ang mga eskolar sa pagtatalaga nito mula sa lima hanggang sa labinlimang minuto. At gayunding ipinagbawal niya ang pagdarasal ,pagkatapos ng dasal na `Asr,hanggang sa paglubog ng araw,ibig sabihin mula sa pagsisimula ng Adhan ng Maghrib ng mga ilang minuto.Dahil ang pagdarasal sa dalawang oras na ito,ay tulad ng panggagaya sa mga walang pananampalataya,na kung saan ay sinasamba nila ito, sa pagsikat at paglubog nito.At tunay na ipinagbawal sa atin ang panggagaya sa kanila sa [pamamaraan] ng pagsamba nila;Sapagkat sinuman ang gumaya sa isang grupo ng tao ay mapapabilang siya sa kanila.