+ -

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤمنينَ رضي الله عنها قَالَتْ:
كُنْتُ أَغْتَسِلُ أَنَا وَالنَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مِنْ إِنَاءٍ وَاحِدٍ كِلاَنَا جُنُبٌ، وَكَانَ يَأْمُرُنِي، فَأَتَّزِرُ، فَيُبَاشِرُنِي وَأَنَا حَائِضٌ، وَكَانَ يُخْرِجُ رَأْسَهُ إِلَيَّ وَهُوَ مُعْتَكِفٌ فَأَغْسِلُهُ وَأَنَا حَائِضٌ.

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 299]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lagayan ng tubig, na kapwa kami junub. Nag-uutos siya sa akin na magtapis ako saka kumakarinyo siya sa akin habang ako ay nagreregla. Naglalabas siya noon ng ulo niya patungo sa akin habang siya ay nagsasagawa ng i`tikāf saka naghuhugas ako nito samantalang ako ay nagreregla.}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 299]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa ilan sa mga natatanging kalagayan niya kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Kabilang doon na siya ay naliligo noon dahil sa janābah kasama nito (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan ng tubig saka kumukuha silang dalawa mula rito ng tubig nang magkasama. Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais na makipagniig sa kanya habang siya ay nagreregla, ay nag-uutos sa kanya na magtakip ng katawan niya mula sa pusod hanggang sa tuhod saka kumakarinyo ito sa kanya nang walang pagtatalik. Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasagawa ng i`tikāf sa masjid saka naglalabas ng ulo niya papunta kay `Ā'ishah saka naghuhugas nito habang siya ay nireregla sa bahay niya.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagpayag sa pagpaligo ng lalaki at maybahay niya sa iisang lagayan ng tubig.
  2. Ang pagpayag sa pagkarinyo sa nagreregla nang hindi kasama ang pagtatalik at na ang katawan niya ay dalisay.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsusuot ng tapis sa oras ng pagkarinyo.
  4. Ang paggawa ng mga kadahilanang tagahadlang sa pagkasadlak sa ipinagbabawal.
  5. Ang pagbabawal sa pananatili ng nagreregla sa masjid.
  6. Ang pagpayag sa pagsaling niya ng mga bagay na basa o tuyo. Kabilang doon ang paghuhugas ng buhok at pagsusuklay nito.
  7. Ang kagandahan ng pakikitungo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mag-anak niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوزبكية الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin