عَنْ طَلْحَةَ بْنِ عُبَيْدِ اللهِ رضي الله عنه قَالَ:
جَاءَ رَجُلٌ إِلَى رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مِنْ أَهْلِ نَجْدٍ ثَائِرُ الرَّأْسِ، نَسْمَعُ دَوِيَّ صَوْتِهِ، وَلَا نَفْقَهُ مَا يَقُولُ حَتَّى دَنَا مِنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، فَإِذَا هُوَ يَسْأَلُ عَنِ الْإِسْلَامِ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «خَمْسُ صَلَوَاتٍ فِي الْيَوْمِ وَاللَّيْلَةِ» فَقَالَ: هَلْ عَلَيَّ غَيْرُهُنَّ؟ قَالَ: «لَا، إِلَّا أَنْ تَطَّوَّعَ، وَصِيَامُ شَهْرِ رَمَضَانَ»، فَقَالَ: هَلْ عَلَيَّ غَيْرُهُ؟ فَقَالَ: «لَا، إِلَّا أَنْ تَطَّوَّعَ»، وَذَكَرَ لَهُ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ الزَّكَاةَ، فَقَالَ: هَلْ عَلَيَّ غَيْرُهَا؟ قَالَ: «لَا، إِلَّا أَنْ تَطَّوَّعَ»، قَالَ: فَأَدْبَرَ الرَّجُلُ، وَهُوَ يَقُولُ: وَاللهِ، لَا أَزِيدُ عَلَى هَذَا، وَلَا أَنْقُصُ مِنْهُ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «أَفْلَحَ إِنْ صَدَقَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 11]
المزيــد ...
Ayon kay Ṭalḥah bin `Ubaydillāh (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May dumating na isang lalaki sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa mga naninirahan sa Najd, na magulo ang ulo. Naririnig namin ang alingawngaw ng tinig nito at hindi namin nauunawaan ang sinasabi nito hanggang sa nalapit ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka biglang ito ay nagtatanong tungkol sa Islām. Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Limang pagdarasal sa araw at gabi." Nagsabi ito: "Kailangan ba sa akin ang iba pa sa mga ito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka at ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān." Nagsabi ito: "Kailangan ba sa akin ang iba pa rito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka." Binanggit sa kanya ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang zakāh. Nagsabi ito: "Kailangan ba sa akin ang iba pa rito?" Nagsabi naman siya: "Hindi, maliban na magkusang-loob ka." Kaya lumisan ang lalaki habang ito ay nagsasabi: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magdaragdag dito at hindi ako magbabawas mula rito." Nagsabi naman ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtagumpay siya kung nagtotoo siya."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 11]
May dumating na isang lalaki mula sa mga naninirahan sa Najd sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ang buhok nito ay nagulu-gulo at ang tinig nito ay mataas. Hindi nauunawaan ang sinasabi nito hanggang sa nakalapit ito sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagtanong ito tungkol sa mga tungkulin sa Islām.
Nagsimula naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagdarasal. Nagpabatid siya na si Allāh ay nagsatungkulin nga sa kanya ng limang pagdarasal sa bawat araw at gabi.
Nagsabi ito: "May nag-oobliga ba sa akin na anuman mula sa mga pagdarasal na ito na iba pa sa limang ito?"
Nagsabi naman siya: "Wala, malibang kapag nagkusang-loob ka ng mga pagdarasal na pangkusang-loob."
Pagkatapos nagsabi pa ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kabilang sa isinatungkulin ni Allāh sa iyo ang pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān."
Nagsabi ang lalaki: "May nag-oobliga ba sa akin na pag-aayuno na iba pa sa pag-aayuno sa Ramaḍān?"
Nagsabi naman siya: "Wala, maliban na magkusang-loob ka ng isang pag-aayuno."
Pagkatapos binaggit dito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang zakāh.
Nagsabi ang lalaki: "May nag-oobliga ba sa akin na anuman mula sa mga kawanggawa matapos ng zakāh na tungkulin?"
Nagsabi naman siya: "Wala, maliban na magkusang-loob ka."
Matapos na nakarinig ang lalaki mula sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga tungkuling ito, tumalikod siya pabalik at sumumpa kay Allāh na siya ay susunod sa mga ito nang walang karagdagan at walang pagbabawas. Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaagad matapos niyon: "Kapag nagtotoo ang lalaki sa sinumpaan niya, tunay na siya ay magiging kabilang sa mga magtatagumpay."